• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU naglunsad ng job fair para sa mga benepisyaryo ng 4Ps

NAGLUNSAD ng job fair ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kahapon, Martes.

 

 

Ito ay pinangunahan ng Malabon Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Department (DSWD) na layong magbigay ng bagong oportunidad sa 4Ps beneficiaries.

 

 

Ka-partner din ng PESO sa naturang job fair ang iba’t ibang companies na handang magbigay ng trabaho para sa mga nangangailangan na ginaganap sa Malabon Sports Center at tatagal hanggang alas-4 ng hapon.

 

 

Kabilang sa mga trabahong maaaring aplayan sa naturang job fair ang service crew, maintenance worker, welder, accounting staff, delivery rider, at iba pa.

 

 

Umaasa naman si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na maraming 4Ps beneficiaries ang makilahok sa job fair para makatulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.
(Richard Mesa)

Other News
  • MMDA, nag-hire ng 1,000 traffic enforcers

    KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA.   Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa Lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto.   “Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng […]

  • Ads February 28, 2020

  • Malakanyang, todo-depensa

    Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007.     “Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin […]