• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malacañang, ipinagtanggol ang byahe ng Pangulo sa Singapore

IDINEPENSA ni Press Secretary Trixie Angeles ang naging byahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore nitong weekend, kung saan namataan siyang nanonood ng Formula 1 Grand Prix, kasama ang anak nitong si Rep. Sandro at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.

 

 

Ayon kay Angeles, naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ng Pangulo.

 

 

Doon umano ay pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit noong nakaraang buwan.

 

 

“Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas,” wika ni Sec. Angeles.

 

 

Sinamantala rin umano nito ang patuloy na paghihikayat sa paglalagak ng puhunan ng mga negosyante doon para dito sa ating bansa.

 

 

Maging ang isa sa mga abogadong nakokonsulta ni President Marcos na si Atty. Harry Roque ay ipinagtanggol din ang byahe ng chief executive.

 

 

Para sa kanya, karapatang pantao ito ng punong ehekutibo, lalo’t weekend naman.

 

 

Ang mahalaga aniya ay hindi ito ginagawa sa oras ng trabaho at hindi rin naman nagwawaldas ng pampublikong pondo, dahil kaya naman ng presidente na gumastos ng personal para sa mga ganitong aktibidad.

 

 

Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19

 

 

Hinimok ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate.

 

 

Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Pilipinas ay nagsusubok lamang ng average na mas mababa sa 20,000 araw-araw, ayon sa ABS-CBN Data Analytics team.

 

 

Nangangahulugan iyon na isaalang-alang ang pagsusuot ng mask sa mga oras ng mataas na positibo. (Daris Jose)

Other News
  • 180K PUV drivers at operators, nakatanggap na ng fuel subsidy- LTFRB

    NAKATANGGAP  na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.     Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic […]

  • BI, NAGBABALA LABAN SA MGA FIXERS

    NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.     Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang  serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos […]

  • Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem

    OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.     Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]