• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ayaw makisawsaw sa panibagong girian sa liderato ng Kamara

DEDMA lang ang Malakanyang sa umanoy pag-init na naman nang tunggalian sa pagitan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin.

 

Wala ring nakikitang problema si Sec. Panelo dahil mismong ang House Speaker aniya ang nagsabing susunod siya sa kasunduan. Maging si Cong Velasco ay naglabas na rin ng pahayag na umabot sa Malakanyang na tatalima ito sa gentleman’s agreement nila ukol sa term sharing.

 

Ani ng kalihim, maliban na lamang kung direktang kakausapin ang Pangulo ay hindi ito maki-kialam sa umanoy labanan ng mga kapanalig nito sa mababang kapulungan ng Kongreso. (Daris Jose)

Other News
  • Checkpoint operations sa mga boundaries ng NCR Plus bubble pinalakas pa – PNP

    Pinalakas pa ng PNP region 3 ang kanilang checkpoint operations sa mga boundaries patungo at palabas ng NCR Plus Bubble ngayong pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa mga nasabing lugar.     Ayon kay PNP PRO-3 regional police director BGen Val Deleon, kahit hindi kasama ang kaniyang area sa ECQ, kanilang sisiguraduhin […]

  • RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA

    ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, […]

  • Tulak kalaboso sa P.3M droga sa Valenzuela

    BALIK-SELDA ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si […]