Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”
Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.
Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipatigil ng Lungsod ng Davao, Manila, Iloilo, at iba pa ang polisiya sa labas ng hospital setting.
“Ang desisyon po ng IATF ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinagaaralan po,” ayon kay Sec. Roque.
“Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, tinintahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 42 o ang Non-Mandatory Wearing of Face Shield sa lungsod ng Maynila.
Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic, at iba pang medical facilities.
Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipadadala ang kopya sa bawat establisimyento.
Napagdesisyonan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa mga guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).
Isa din dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.
Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing opsyonal na lamang ang paggamit ng face shield.
Humirit naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeireng isa pang linggo para pag-aralan kung dapat na ngang alisin ang face shield requirement sa gitna ng mababang bilang ng COVID-19 cases. (Daris Jose)
-
Ads December 1, 2021
-
UN, inanunsyo ang P607-M para sa typhoon relief sa Pinas
MAGLALAAN ang United Nations (UN) ng USD10.5 million o P607 million sa bagong relief support sa rehiyon na labis na tinamaan ng kamakailan lamang na tropical cyclones sa Pilipinas. Inanunsyo ng UN Philippines ang bagong pagpopondo, araw ng Biyernes, kasabay ng pagbabago sa Humanitarian Needs and Priority Plan (HNP), target na ipunin ang […]
-
Inflation para sa Agosto 2024, naitala sa 3.3% – PSA
BAHAGYANG bumagal ang inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Agosto dahil sa mas mahinang pagtaas ng gastos sa pagkain at transportasyon. Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA), magandang development ito. Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation, na sumusukat sa rate ng pagtaas ng […]