• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, binuksan ang grounds sa publiko para sa Misa De Gallo, iba pang Christmas activities

BINUKSAN ng Malakanyang sa publiko ang grounds nito para sa panahon ng Pasko kung saan ang lahat ay maaaring mag-enjoy ng iba’t ibang aktibidad kabilang na ang Misa De Gallo.

 

 

 

Nagsimulang buksan sa publiko ang palace grounds ngayong araw ng lunes, Disyembre 16 hanggang Disyembre 23, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

 

 

Maaaring dumalo ang mga katoliko sa Misa De Gallo mula Disyembre 16 hanggang 24, tuwing alas- 4 ng madaling araw hanggang alas-5 ng madaling-araw.

 

 

Matapos ang misa, ang lahat ay maaaring kumain ng bibingka at humigop ng mainit na tsokolate na available mula alas- 5 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga.

 

 

Idagdag pa rito, maaari namang manood ang publiko gabi-gabi ng Christmas display tuwing alas- 6 ng gabi at I-enjoy ang mga pagkain kasama ang mga free carnival rides hanggang alas- 11 ng gabi.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang I-enjoy ng mga Filipino ang diwa ng Pasko ngayong taon kasunod ng serye ng paghagupit ng mga bagyo sa bansa.

 

 

“And it is a joyful time for all the Filipinos. But as we celebrate, I would like to ask you to hold a thought for all those people who up to now are trying to recover from the effects of the six typhoons that we suffered in twenty-three days,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang Christmas tree lighting event.

Other News