Malakanyang, ginagalang ang bagong set up ng DOH
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
IGINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Health hinggil sa bagong polisiya nito sa pagpapaunlak ng panayam sa kanilang mga opisyal.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, may kani-kanyang polisiya na ipinatutupad sa bawat tanggapan.
Aniya, kung may bagong polisiya ang DOH ngayon na may kinalaman sa pag- i schedule ng panayam, ay wala namang problema.
Wala namang ideya si Sec. Roque hinggil sa polisiya ng DOH ukol sa pagtatakda ng interview sa kanilang mga opisyal ngunit regular din naman aniyang nagbibigay ng update ang ahensiya.
Ito ay sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na sumasagot sa mga katanungan sa kanya namang regular presser.
Sa kabilang dako, base sa panuntunan ng DOH, kailangan munang magsumite umano ng request letter for interview ang isang media entity, dalawang araw bago ang target na panayam. (Daris Jose)
-
MARCO, matagal ng fan at ‘di akalain na natupad agad ang dream na makatrabaho si SHARON
HINDI pa rin makapaniwala si Marco na nakagawa siya ng pelikula with Sharon Cuneta at siya pa ang leading man ng Megastar. Matagal na raw siyang fan ni Sharon at dream come true para sa kanya na makatrabaho ang singer-actress. Laking tuwa niya nang sabihin sa kanya ng Viva na makakasama niya sa […]
-
KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na
HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020. Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod […]
-
COC filing larga na, libong pulis ikakalat
KASADO na ang paghahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa mga lugar na pagdadausan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 national at local elections, na magsisimula, Oct 1. Sinabi ni NCRPO Director, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na may 1,389 tauhan […]