Malakanyang, ginagalang ang desisyon ng Comelec sa kandidatura ni Marcos
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpalabas ng dessoyon ang COmelec sa naturang usapin.
Sa maiksing mensahe ni Nograles sa mga mamamahayag, sinabi nito na ginagalang niya ang kalayaan ng komisyon na magdesisyon sa nabanggit na isyu.
“Comelec is an independent constitutional body,” ani Nograles.
“We respect the independence of the Comelec,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, ibinasura ng Comelec 2nd Division ang petisyon na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa “material misrepresentation”.
Ang mismong nagpahayag ng desisyon ng Comelec 2nd Division ay ang petitioner laban kay Bongbong Marcos na si Atty. Theodore Te.
Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Atty. Te na natanggap nila ang desisyon ng petisyon kaninang 9:50 am, Enero 17.
Dagdag pa ni Te, hindi nila sinasang-ayunan ang naturang desiyon ng Comelec 2nd division at magpapasaklolo na sila sa En Banc.
Hindi naman inilatag ni Te kung ano ang kanilang grounds para sa kanilang ihahaing motion for reconsideration.
Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Fides Lim na isa sa mga petitioner na humihiling na makansela ang Certificate of Candidancy (COC) ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagka-pangulo na ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division ang kanilang inihain na petisyon.
Ayon kay Lim, bagama’t ibinasura ang kanilang petisyon naghahanda na ang kanilangg kampo partikular ang kanilang abogado na si Atty. Theodore Te ng motion for reconsideration kaugnay sa naging desisyon ng 2nd Division ng COMELEC.
Dagdag pa ni Lim, maingat ang kanilang mga abogado sa paglalabas ng pahayag pero handa silang gumawa ng mga hakbang para maituloy anh inihaing petisyon hinggil sa pagkakansela ng COC ni Marcos.
Samantala, ipinagpasalamat naman ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang naging desisyon ng COMELEC.
Aniya, malaking pabor para sa kampo ng dating senador ang naging desisyon dahilan upang umasa sila na matatapos na rin o maglalabas ng desisyon hinggil sa nasabing isyu.
Nabatid na hiwalay ang nasabing desisyon ng 2nd Division bukod pa sa 1st Division ng COMELEC kung saan mayroon din dinidinig na petition kontra kay Marcos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon
Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city. Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]
-
Panawagan ng mambabatas, magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS)
NANAWAGAN si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (OFs), at Filipino seafarers na magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa overseas voters sa 2025 Midterm Elections. Ito ay matapos ianunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglipat […]
-
Ads May 31, 2023