• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19. 

 

“Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“We want to see you healthy and we want you to take part in the public life of the country for a very long period of time,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Sa ulat, kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang pamilya.

 

Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.

 

“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital,” ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.

 

“Please pray for all those who are likewise fighting this virus.”

 

Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.

 

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” ani Jinggoy sa Facebook.

 

Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.

 

Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.

 

Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng “bribery, corruption, betrayal of public trust” at “violation of the Constitution” — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.

 

Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan. (Daris Jose)

Other News
  • Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya

    KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media.     Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account.     Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]

  • Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’

    BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias.     Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito.   “Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, […]

  • Umaming nami-miss nang sumayaw at kumanta: SEAN, working hard kaya dedma na lang sa ‘indecent proposal’

    SOBRANG thankful si John “Sweet” Lapus nang kunin siya ng APT Entertainment para magdirek ng satire gag show na BalitaOneNan.     “Napakarami naman pwedeng magdirek ng ‘Balita One Nan’ pero ako pa rin ang napili nila,” pahayag ni Sweet.     “Siguro nagustuhan nila ang trabaho ko sa ‘Boyfriend No. 13’ na ipinalabas sa sa WeTV last year. Actually, […]