Malakanyang, hindi inaalis ang posibilidad na isailalim ang MM sa MGCQ sa Nobyembre
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI inaalis ng Malakanyang ang posibilidad na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa darating na Nobyembre.
“It is not an impossibility dahil talaga naman po napababa natin [ang COVID-19 cases] pero nasa kababayan pa rin natin ‘yan sa Metro Manila,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque
Aniya, alam na naman ng mga mamamayan ang dapat gawin at ito ay ang “mask, hugas, iwas.”
Sa ulat, pinaghahandaan na ng Metro Manila Council ang posibleng paglalagay sa Metro Manila sa MGCQ mula sa kasalukuyang GCQ.
Ayon kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, posibleng ilipat sa lowest quarantine ang NCR sa ilang kundisyon:
Kung patuloy ang magiging pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, pagtaas ng recovery rate at kung patuloy na susunod ang publiko sa mga ipinatutupad na minimum health standards.
“Palagay ko po baka itong hanggang katapusan ng October na ito ay matapos natin ang gcq at hopefully with God’s graces itong darating na november baka mag mgcq na po ito sa pahintulot ng ating mahal na presidente.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/Chairman, Mayor Edwin Olivarez.
Ayon pa kay Olivarez, pinag- aaralan na ng Metro Manila May- ors ang posibleng pagluluwag ng ipinatutupad na curfew sa NCR. Sa kasalukuya ay umiiral pa ang 10pm to 5am unified curfew.
“Sa susunod na meeting po namin yan po ang isa sa pinaka main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy po natin.” ani Metro Manila Council| Parañaque City/ Chairman, Mayor Edwin Olivarez.
Ngayong buwan ng Oktubre ay nasa ilalim pa rin sa GCQ ang NCR batay na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila Council para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng COVID-19. (Daris Jose)
-
Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas
ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay. Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world. Her crowning […]
-
Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine
TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito. Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine. Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili […]
-
Face-to-face classes, depende kay PDu30 – Briones
Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay tuloy sa August 24 kahit pa walang face-to-face instruction. “We cannot go beyond that because of the requirements of a law that is not yet amended or repealed as of now,” paliwanag ni Briones sa online press briefing sa Oplan […]