• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hindi kukunsintihin ang mga indibidwal na nag-LGU hopping para magpa-booster shot

TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.

 

Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.

 

“So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng ating mga kababayan bago tayo mag-booster shot,” anito.

 

“Ulitin ko po ha, ang bakuna lang talaga ang  magiging dahilan para matapos na itong pandemyang ito. Hayaan na muna nating magkaroon ng population protection ang lahat bago tayo mag-booster shots,” giit ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, dalawang indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Quezon City government matapos na magpaturok ng boosters shots kahit pa fully vaccinated na sila laban sa COVID-19.

 

Ayon kay City. Attorney Orlando Paolo Casimiro, ang naturang mga indibiduwal na hindi pinangalanan ay kinasuhan dahil sa paglabag sa city ordinance SP3032 s-2021, o  “An Ordinance Prohibiting COVID-19 Vaccine Fraud.”

 

“The complaints have been sworn into the Office of the City Prosecutor to send a strong message that the City Government takes the vaccination and other pandemic-related programs very seriously,” ani Casimiro.

 

“In essence, these people are stealing the vaccines which could save the lives of ­others, not to mention making a mockery out of the efforts of our frontline workers. We will make sure that once proven, these individuals will be punished accordingly to the fullest extent of the law,” aniya pa.

 

Ang mga violators ay maaari umanong pagmultahin ng P5,000 at/o pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalampas sa anim na buwan, o multa at pagkabilanggo depende sa diskresyon ng hukuman.

 

Nabatid na ang isa sa kinasuhang indibidwal ay nakatanggap na ng dalawang doses ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo 10.

 

Sa kabila nito, nagpaturok pa umano ito ng Moderna vaccine sa Quezon City nitong nakaraang linggong.

 

Samantala, ang isa pa ay nakatanggap naman ng dalawang dose ng Sinovac sa isa sa mga vaccination centers ng lungsod at saka tumanggap muli ng ikatlong dose naman na Pfizer vaccine.

(Daris Jose)

Other News
  • Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

    Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna […]

  • Nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon: MARIAN, ayaw nang i-elaborate ang pagbabati nila ni HEART

    BATID na ng publiko ang pagkakabati nina Marian Rivera at Heart Evangelista.     Kaya naman sa pagbisita nina Marian at Dingdong Dantes sa Fast Talk with Boy Abunda para sa promo ng movie nilang “Rewind” ay tinanong ni Tito Boy si Marian kung naniniwala ba ito sa second chances.     “Minsan hindi. May […]

  • COTY contenders, handa ng lumantad

    NAKAHANDA na ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Lunes, Marso 9, sa Pasay City Cockpit.   Inihayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo, na pagkaraan ng 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23, maaaring lumitaw na ang top 10 COTY contenders. Sisiyapol ang ikatlo at […]