Malakanyang, humingi ng paumanhin sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang P930 milyong utang sa PRC
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
HUMINGI ng paumanhin ang Malakanyang sa naging kabiguan ng state medical insurer PhilHealth na bayaran ang utang nito na umabot sa P930 milyon sa Philippine Red Cross (PRC) dahilan upang mapilitan ang huli na itigil ang COVID-19 tests.
Ang PRC ang responsable para sa 1 milyong COVID-19 tests, o 1/4 ng 3.8 million tests ng bansa.
Sinabi ng organisasyon na hindi na sila tatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded- tests matapos ang 11:59 ng gabi, araw ng Huwebes, dahil sa “ever-increasing” outstanding balance ng ahensiya.
“Malaking kawalan po iyan kung ititigil nila ang testing for PhilHealth. Pero ako naman po ay kampante na mayroon lang talagang mga internal problema ngayon ang PhilHealth na alam naman nating lahat,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Humihingi po ako ng pasensya sa PRC on behalf of the President,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang inakusahan ng mga whistleblower sa pagdinig ng Senado si Philippine Health Insur- ance Corporation (Philhealth) President and Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales na inaprubahan ang overpriced projects at ang pagpapalabas ng mga pondo para sa mga pinapaborang ospital pero agad naman nitong itinanggi ng CEO ng state insurer.
Nilagdaan ni Morales ang memo- randum of agreement para sa PRC tests, ayon naman kay National Task Force (NTF) against COVID- 19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Ang successor naman ni Morales na si Dante Gierran ay gusto na matiyak na nasa ayos ang lahat bago mai- settle ang PRC dues.
“‘Pag favorable po ang comment ng DBM, tuloy-tuloy na po iyon,” aniya pa rin.
“I am confident that the issue will be resolved immediately,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Sa ulat, pinayagan ng pamahalaan ang 147 laboratory na magpatakbo ng coronavirus tests.
Sa ngayon, ang iba pang laboratoryo ay maaaring i-take over ang PRC’s load.
“In other words ‘wag naman po mag-alala ang ating mga kababayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
PRESUMED VALID NGA BA?
PAG MALINAW ang paglabag nito sa batas dapat pa bang ipatupad ang isang ordinansa ng LGU? Ito ang tanong ng maraming motorista sa Manila LGU sa patuloy na pag confiscate ng driver’s license ng kanilang mga enforcers ayon sa ordinance 8092. Sabi ng abogado ng Manila LGU – PRESUMED VALID unless […]
-
Dekadang pangarap ni Oconer, natupad
NATUPAD na rin sa wakas ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy ang may isang dekadang pinapangarap a pagbibisikleta. Ito ay nang pamayagpagan niya ang katatapos na 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 Anniversary Race sa Vigan City. Sumunod lang sa agos ang 28 taong-gulang na pedalpusher sa Stage 10 criterium na nagsimula at natapos sa […]
-
DepEd Calabarzon, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas mula Jan. 17-29
INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaaring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19. Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang […]