Malakanyang, ibeberipika muna ang ulat na ginagawang “kubeta” ng mga barko ng China ang WPS
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
“We need to verify first because that is just a report.”
Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng mga ‘human waste’ o dumi ng tao ng mga barko ng China ang West Philippine Sea.
Sinabi ni Sec.Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging responsable lamang ang pamahalaan na sagutin ang mga bagay na gaya nito.
“Tingnan muna natin kung may katotohanan dahil kung wala naman eh di tayo naman ang mapapahiya,” ayon kay Sec. Roque.
“Dapat i-verify muna bago pumutak. Noong na-verify naman po natin na nag-export ng basura ang Canada sa atin, pinabalik naman natin ang basura sa Canada. No IFs, no BUTs,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“So, matagal na po tayong naninindigan na hindi basurahan at siyempre hindi kubeta ang Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mariing kinondena ng mga senador ang ulat hinggil sa pagtatapon umano ng mga barko ng China na ‘human waste’ o dumi ng tao sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat imbestigahan at kung may sapat na basehan, dapat kasuhan ang mga ito sa korte.
“The Department of Environment and Natural Resources should investigate this, and if there is basis, file charges in court. Government cannot fine sidewalk litterers while turning a blind eye to this,” sabi ni Recto sa isang statement
Ayon naman kay Senadora Grace Poe, ang ginawa ng China ay tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kung hindi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan.
“Hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. This adds insult to injury. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory,” reaksiyon ni Poe.
“Dapat makumpirma iyan ng sarili nating gobyerno para may sarili din tayong datos sa kung ano na nga ba ang patuloy na sinisira ng Tsina sa ating karagatan. Kalakip dito, dapat patuloy din ang ating panawagang paalisin na ng Tsina ang kanilang mga barko,” ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros.
Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na kumpirmahin muna ng pamahalaan ang nasabing ulat bago aksiyunan.
“Aside from being a serious and sensitive issue to resolve, it involves an Asian neighbor with whom we have at least 5 decades of diplomatic relations,” ani Lacson. (Daris Jose)
-
P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi
Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs). Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers. Ayon kay LTFRB OIC ng legal division […]
-
WBA crown ni Pacquiao ibabalik!
Magiging world champion na naman si eight-division world champion Manny Pacquiao. Ito ay dahil sa posibilidad na maibalik sa kanya ang World Boxing Association (WBA) welterweight title. Inihayag ni WBA president Gilberto Mendoza na malaki ang tsansa na muling ibigay sa Pinoy champion ang world title matapos itong tanggalin sa kanya […]
-
BI, SUSUNOD SA 60% WORK CAPACITY
TATALIMA ang Bureau of Immigration (BI) sa 60% on-site work capacity mula January 3 hanggang 15. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, it’y bilang pagsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan inilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3. […]