Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“She is entitled to her opinion. Of course as the leader of the opposition, we don’t expect anything positive about this administration from her. We’ve accepted that. I think people have accepted that,” presidential spokesperson Harry Roque.
Maaari aniyang sabihin ni Robredo ang lahat ng negatibo tungkol sa administrasyon basta ang importante aniya ay suporta sa sambayanan ang Pangulo.
“She can say all the negative things about the administration but [the] people still support the President,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, iginiit ni Robredo na may karapatan siyang maging kritiko ng gobyerno.
Dagdag pa nito na marami siyang nakikitang kakulangan sa tagal ng pagsasailalim sa lockdown.
Aniya pa, ang pagsibak kay Health Secretary Francisco Duque III mula sa puwesto ay hindi naman makapagbabago sa kahit na anuman kung ang sistema na tinawag niyang bigo ay mananatili.
Ani Robredo na gagamitin niya ang posisyon niya bilang bise-presidente upang maging boses ng madla. (Daris Jose)
-
20% diskuwento sa toll fee para sa seniors
NAIS ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway. Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens […]
-
Ads March 21, 2023
-
Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay
NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang […]