• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa free vaccination.

 

Ang panigurado ayon kay Sec. Roque, para sa lahat ang gagawing pag-angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.

 

“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may- kaya naman po ay makakabili rin ‘no. So iyong ating mga hakbang na ginagawa ay para nga po mag- angkat hindi lang para sa pinakamahirap, kung hindi para sa lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, handa ang pamahalaan kahit ngayong taong ito na makabili ng bakuna sa corona virus gamit ang uutangin sa Landbank at Development Bank of the Philippines.

 

Pero kung sakali aniyang naririyan na ang 2021 budget, inihayag ni Roque na duon na lang posibleng hugutin ang para sa vaccine procurement at hindi na kinakailangan pang mangutang sa bangko ng gobyerno.

 

“Oo, humingi rin po tayo ‘no kasi naman ang ating ginawa ay kapag lumabas na, dapat may pera. Kasi kung hindi naman gumawa ng paraan ang Presidente, kung ngayong tao ay pupuwede nang bumili at wala pang budget for 2021, eh di hindi tayo makakabili at wala namang ganiyang budget po doon sa current budget ng 2020. So kumbaga, laging handa po tayo ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung sumipa na po ang 2021 budget, kukunin po natin doon; hindi na kinakailangang mangutang sa bangko ‘no. Pero kung sumipa po ngayon na mayroon ng vaccine ngayong taong ito, handa rin po tayong bumili,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado

    MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023.     Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.     Sa pagsisimula […]

  • MEMORIAM WALL, INILAGAY SA HARAP NG SIMBAHAN ng QUIAPO

    ISANG memoriam wall  sa harap ng  Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang inilagay kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus.   Ito ay bilang pakikiisa ng Simbahan ng Quaipo  sa panawagan ng  Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at […]

  • Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo

    HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na […]