• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinondena ang barbaric attack sa broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez

KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez.

 

“These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas.

 

Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga awtoridad na magsagawa ng ‘swift at impartial probe’ sa nasabing malagim na pangyayari.

 

“No stone should be left unturned in the pursuit of those culpable,” ang sinabi ni Chavez.

 

Nakiisa naman ang Malakanyang sa mga naulila ni Rodriguez, 56 ng EMedia Productions Network, Inc., sa pagdadalamhati ng mga ito sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

 

Inatasan naman ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magbigay ng ganap na suporta sa panahon ng kanilang paghihirap.

 

“We assure them, as well, of our commitment to pursuing truth and justice for Ms. Rodriguez,” ang sinabi ni Chavez.

 

Sa ulat, sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakaupo si Rodriguez sa loob ng kanyang tindahan kasama ang kanyang ina, kapatid na babae, pamangkin nang biglang sumulpot ang suspek at makailang ulit na binaril ang biktima, dakong alas-8:45 ng gabi, araw ng Martes sa Comet Street, Barangay Tumaga.

 

“The investigation disclosed that the circumstances leading to this incident are not related to the victim’s work as a member of the media,” ang sinabi ni Colonel Kimberly Molitas, city police director ng Zamboanga City.

 

“We express our condolences to the family of the victim,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH

    HANDA  na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]

  • Aliw na aliw ang mga netizens sa kanilang Instagram post: DENNIS at JENNYLYN, larawan ng masayang pamilya kasama ang tatlong anak

    SINA Xian Lim at Kim Chiu ang tunay na “lovers in Paris” dahil doon sila nag-celebrate ng Pasko.     Nakakakilig ang mga litrato at video nila habang sweet na sweet na rumarampa sa mga pamosong lugar sa Paris tulad ng Eiffel Tower na bagay na bagay sa magkasintahang tulad nila.     And the […]

  • SOUTH AFRICAN VARIANT, NATUKLASAN

    MAY natuklasan na ring anim na B.1.351 variant o South Africa variant sa Department of Health (DOH),  UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).       Bukod dito karagdagang 30  B.1.1.7 variant (UK variant) kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika walong batch ng 350  samples na na-sequenced […]