• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinumpirma ang rekomendasyon ng VEP sa FDA na gamitin ang Sinovac sa mga senior citizens

KINUMPIRMA ng Malakanyang na inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizens o mga indibidwal na may 60 taong gulang pataas.

 

Masusing tinalakay ng VEP ang usaping ito sa gitna ng kasalukuyang vaccine supply sa bansa.

 

“We hope that this would respond / address the present demand of vaccines,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Nauna nang sinabi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng VEP at San Lazaro Hospital’s adult infectious diseases division chief na kailangan nilang tingnan ang data ng Sinovac lalo pa’t kaunti na lamang ang natitirang doses ng AstraZeneca.

 

‘We just finished the recommendation (for the Food and Drug Administration ) the other day. Fino-forward na namin sa Department of Health (DoH),” ayon kay Solante.

 

Hindi naman maisiwalat ni Solante ang nasabing rekumendasyon sa ngayon.

 

Makabubuti  na hintayin na lamang ang ebalwasyon ng DoH.

 

Sa ulat, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na nagpadala na sila ng rekomendasyon sa Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga nakatatanda.

 

Gayunman, tumanggi si Dr. Solante na ilahad kung ano ang rekomendasyon nila sa DOH at sa halip ay ipinauubaya na aniya nila sa Health Department ang paglalabas ng anunsiyo.

 

Una nang sinabi Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kulang na ang suplay ng bakuna ng AstraZeneca na gamit sa mga nakatatanda at hindi magamit ang gawa ng Sinovac dahil sa kawalan ng datos hinggil dito.

 

Kinumpirma naman ni Dr. Solante, bukod sa China at Hongkong, ginagamit na rin ang Coronavac sa mga senior citizen sa Indonesia at Turkey. (Daris Jose)

Other News
  • Malawakang information drive sa COVID-19 vaccines, hirit sa IATF

    Nanawagan kahapon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang CO­VID-19 vaccines.     Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa […]

  • Presyo ng harina posibleng tumaas

    POSIBLENG magkaroon ng pagtaas ng presyo ng harina sa bansa.     Ayon kay Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca, na ilan sa mga factors kaya tumaas ang kanilang presyo ay ang patuloy na giyera sa Ukraine at Russia, tag-tuyot sa US at ang export ban sa India.     Paliwanag nito […]

  • Ikatlong Navotas Commnuity Isolation Facility, binuksan

    BINUKSAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangatlong community isolation facility (CIF) na tuluyan ng mga residenteng may hinihinalang confirmed Coronavirus Disease 2019.   Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagpapasinaya, kasama si COVID-19 testing czar Sec. Vince Dizon; DPWH Usec. Roberto Bernardo; MMDA gen- eral manager Jojo Garcia; at DOH- NCR Regional […]