• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring

MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.

 

Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na ahensiya.

 

Ang suporta mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ay pnakilos na rin at itinalaga.

 

“As of October 12, 2021, 6AM, 465 families or 1, 585 persons in Regions 2 and 8 have been pre-emptively evacuated,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“As of October 10, 2021,” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong mahigit na P128-M Standby Funds.

 

Idagdag pa rito ang 373, 737 na available na Family Food Packs na nagkakahalaga ng mahigit sa P219-M.

 

Ang suplay ng kuryente at tubig ay muling naibalik habang ang clearing operations sa mga lansangan ay nagpapatuloy sa mga apektadong lugar ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

“We ask the public to continue to take precautionary measures, observe minimum public health standards, and cooperate with their respective local authorities in case of an evacuation,” ang panawagan ng Malakanyang. (Daris Jose)

Other News
  • 2.99 million Filipinos, nananatiling walang trabaho

    KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo.     Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho.     Ang mga […]

  • ‘Bakuna Bubble’ gustong i-test sa NCR areas na may high vaccination rates

    ISINUSULONG ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang test implementation ng “bakuna bubbles” sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila na mayroong vaccination rates laban sa COVID-19.   Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na ang pagpapatupad “bakuna bubbles” sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may high vaccination rates ay makapag-aambag sa […]

  • 3-4 milyon dadagsa sa Manila North Cemetery

    INAASAHAN na aabot mula tatlo hanggang apat na milyon bisita ang da­dagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas makaraan ang dalawang taon na pagsasara nito dahil sa pandemya.     Sinabi ng pamunuan ng sementeryo na ito ay posible dahil sa pagkasabik ng publiko sa mabisita ang mga namayapang kaanak sa mismong araw ng All-Saints […]