• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, masaya sa kasalukuyang employment situation sa Pinas

PARA sa Malakanyang, gumanda ang employment situation sa bansa dahil sa patuloy na muling pagbubukas ng ekonomiya.

 

 

Ito ang dahilan upang mas maraming job opportunities ang malikha sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Ikinatuwa ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang resulta ng March 2022 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na pumalo sa 94.2% ang employment rate.

 

 

Ang bilang ng employed Filipino, ayon sa PSA report ay umabot sa 46.98 milyon noong Marso 2022, mas mataas sa 45.48 milyon o 93.6% na naitala noong Pebrero 2022.

 

 

“We welcome the latest employment situation reported by the Philippine Statistics Authority showing employment rate in March 2022 at 94.2 percent – the highest since April 2020,” ayon kay Andanar.

 

 

Sa isang kalatas ng PSA, nakasaad dito na tinatayang 2.87 milyong Filipino ang walang hanapbuhay noong Marso, bumaba ito mula 3.13 milyon noong Pebrero 2022 at 3.44 milyon ng Marso 2021.

 

 

Pinanindigan naman ni Andanar ang nauna niyang pahayag na ang calibrated strategies ng gobyerno laban sa Covid-19 ay epektibo sa paglikha ng mas maraming hanapbuhay sa bansa.

 

 

Ang ilagay ang halos kalahati ng kabuuang lungsod at munisipalidad sa buong bansa sa ilalim ng most lenient Alert Level 1, pinapayagan ang mas maraming Filipino na maghanapbuhay, sinabi ni Andanar na maraming negosyo ang nag-o-operate sa kabila ng umiiral na pandemya.

 

 

“This proves how effective our calibrated strategy of shifting to Alert Level System to further reopen the economy,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, muli namang tiniyak ni Andanar na walang konkretong plano upang masiguro ang economic recovery mula sa matinding epekto ng coronavirus pandemic.

 

 

Muling inulit nito na itutuloy ng pamahalaan na pataasin at paigtingin ang Covid-19 vaccination drive upang hindi makompromiso ang public health, dahil na rin sa pagpapatuloy ng mas maraming economic activities.

 

 

“We are confident to see a further improvement in our employment situation as government has concrete plans to sustain our economic rebound,” ayon kay Andanar. (Daris Jose)

Other News
  • UFC star Gilbert Burns, gumaling na mula sa COVID-19

    Gumaling na mula sa coronavirus si UFC star Gilbert Burns.   Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang dalawang linggo ng ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nagpost pa ang 34-anyos na UFC star ng test resutl nito sa kaniyang social media account.   Magugunitang tinanggal siya sa laban kay Kamaru Usman matapos magpositibo at […]

  • Memorable sa kanya ang first worst date: GABBY, nahirapang sagutin kung sinu-sino ang ‘perfect 10’

    MASAYANG nagkuwento si Gabby Concepcion sa ilang personal na bagay sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel.     Ilan sa ibinahagi niya sa kanyang vlog ay tungkol sa pakikipag-date, crushes, at marami pang iba.     Ayon sa 58-year old former ‘80s heartthrob, memorable sa kanya ang naging first date niya dahil ito […]

  • Bulacan 911, maaari ng tawagan para sa anumang emergency

    LUNGSOD NG MALOLOS– Operasyunal na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anumang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 kaninang umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na matapos ang matagal na paghihintay, mabilis […]