• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte

NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kina Ginoong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at Binibining Inday Sara Duterte-Carpio sa electoral victory at proklamasyon ng mga ito bilang President-elect of the Philippines at Vice President-elect of the Philippines.

 

 

“Today’s proclamation ceremony by Congress marks another historic milestone in our political life as a nation underscoring that we are, indeed, a showcase and beacon of democracy in this part of the world,” ayon kay Acting Presidential spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar.

 

 

Habang ang dalawang lider ay nakatakdang simulan ang kani-kanilang mga responsibilidad at mga hamon sa kani-kanilang tanggapan, inulit ng Malakanyang ang panawagan nito sa sambayanang filipino na suportahan ang mga bagong halal na lider ng bansa.

 

 

Samantala, titiyakin naman ng Office of the President (OP) ang mapayapa at maayos na “transfer of powers” o paglilipat ng kapangyarihan sa President-elect sabay sabing “we extend all the necessary support and assistance to various transition activities. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang mga Pilipino.” (Daris Jose)

Other News
  • 130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB

    NASA 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang naki­nabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.       Ang naturang ha­laga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno.       Ayon sa Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy […]

  • Romualdez nag-surprise inspection sa presyo ng sibuyas, bigas; hoarders binalaan

    NAGSAGAWA ng surprised inspection sa dalawang malalaking palengke sa lungsod Quezon si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin kabilang ang bigas at sibuyas.     Ayon kay Romualdez, nakatanggap sila ng report na tumataas ang presyo ng sibuyas at bigas kaya minabuti nilang inspeksiyunin ang mga palengke […]

  • 2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na

    Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online.     Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform.     Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang […]