Malakanyang, nakakakita na ng barometro sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAKITA na ang Malakanyang ng isang barometro o senyales na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa.
Ito’y matapos manguna ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya sa aspeto ng pag e- export nitong Abril.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang export ng bansa sa buwan ng Abril na umabot sa 72. 1 percent.
Mula sa 3.32 billion dollars noong Abril nang nakaraang taon ay umakyat ito ng 5.71 billion dollars ngayong April 2021.
Malinaw na nalampasan na ng Pilipinas ang Japan na nakapagtala ng 38% sa exports habang 32.3% naman ang nai- record ng China.
“Samantala, magandang balita naman po: Tumaas ang ating exports noong buwan ng Abril by 72.1% ayon po sa datos ng Philippine Statistics Authority,” ayon kay Sec. Roque.
“Ito ang pinakamataas sa mga ekonomiya sa Asya, nalampasan natin ang 38% ng Hapon at 32.3% ng bansang Tsina. Mula US, 3.32 billion noong April 2020, ito’y naging 5.71% billion ngayong April 2021. Ito ay matapos pinayagan natin ang one hundred percent operating capacity kahit na tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine; hudyat ito ng pagbangon ng ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine. Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta. Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]
-
3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez […]
-
3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE
NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic. Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado. Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]