Malakanyang, nanawagan kina VP Leni Robredo at Senador Franklin Drilon na tigilan ang pamumulitika
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
NIRESBAKAN ng Malakanyang ang tila maagang pamumulitika nina Vice-President Leni Robredo at Senador Franklin Drilon.
Ito’y makaraang sabihin ni Senador Franklin Drilon na 2.5-billion pesos lang ang napondohan sa pagbili ng COVID vaccine habang ang natitirang pondong dapat gamitin ay wala pa umanong revenue source.
“Malayo pa ang eleksiyon kaya’t tigilan na ang pamumulitika,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sabay sabing paulit-ulit na aniya nilang sinasabi na makakautang ang bansa sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para sa 72.5-billion na kakailanganin.
Batid naman aniya ni Senador Drilon bilang isang beteranong mambabatas at Robredo kung paano gumagana ang budget.
Ang hirit kasi ni Robredo, walang sense of urgency ang Administrasyon sa usapin ng pagba- budget sa COVID-19 vaccine pero sagot dito ni Roque, huwag na lang mamulitika at malayo pa naman ang halalan.
“Senator Drilon, Vice President, malayo pa po ang eleksiyon, tigilan ang pulitika. Paulit-ulit na po sinabi natin iyan ‘no na tayo po ay makakautang na sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para po sa 72.5-billion na kakailanganin,” ayon kay Sec. Roque.
“Kaya po inilalagay sa budget iyan, maski utangin hindi po pupuwedeng gastusin and I’m sure Senator Drilon knows about this already having been a veteran lawmaker, the same thing goes for the Vice President. They should know how the budget works. Kinakailangan nasa budget otherwise hindi magagastos maski ang panggagalingan ay uutangin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan
DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod. […]
-
Cariaso mananatili sa Converge
MANANATILI sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47. Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza. Nais ni team governor at dating PBA commissioner Chito Salud na makabuo muna […]
-
‘True Network’, mas pinalawak dahil may True TV at True Digital na rin
MAS masusubaybayan na ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang news, public service, at entertainment programs ng True FM sa paglulunsad ng True Network ng True TV at True Digital nito. Simula ngayon, matutunghayan na ng mga listeners ang paboritong nilang mga programa tulad ng […]