Malakanyang, nanawagan kina VP Leni Robredo at Senador Franklin Drilon na tigilan ang pamumulitika
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
NIRESBAKAN ng Malakanyang ang tila maagang pamumulitika nina Vice-President Leni Robredo at Senador Franklin Drilon.
Ito’y makaraang sabihin ni Senador Franklin Drilon na 2.5-billion pesos lang ang napondohan sa pagbili ng COVID vaccine habang ang natitirang pondong dapat gamitin ay wala pa umanong revenue source.
“Malayo pa ang eleksiyon kaya’t tigilan na ang pamumulitika,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sabay sabing paulit-ulit na aniya nilang sinasabi na makakautang ang bansa sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para sa 72.5-billion na kakailanganin.
Batid naman aniya ni Senador Drilon bilang isang beteranong mambabatas at Robredo kung paano gumagana ang budget.
Ang hirit kasi ni Robredo, walang sense of urgency ang Administrasyon sa usapin ng pagba- budget sa COVID-19 vaccine pero sagot dito ni Roque, huwag na lang mamulitika at malayo pa naman ang halalan.
“Senator Drilon, Vice President, malayo pa po ang eleksiyon, tigilan ang pulitika. Paulit-ulit na po sinabi natin iyan ‘no na tayo po ay makakautang na sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para po sa 72.5-billion na kakailanganin,” ayon kay Sec. Roque.
“Kaya po inilalagay sa budget iyan, maski utangin hindi po pupuwedeng gastusin and I’m sure Senator Drilon knows about this already having been a veteran lawmaker, the same thing goes for the Vice President. They should know how the budget works. Kinakailangan nasa budget otherwise hindi magagastos maski ang panggagalingan ay uutangin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Binata kulong sa marijuana
KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas. Ayon kay Station Drug […]
-
2 drug suspects tiklo sa P272K shabu sa Caloocan
DALAWANG umano’y listed drug personalities, kabilang ang 51-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Nora Eleazar, 51 at Jayson Villahermosa, 34, […]
-
Napansin din si Juancho bilang Padre Salvi: BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa TAG Awards Chicago dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’
HINDI pa man natatapos ang GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra ay nakakatanggap na ito ng nominasyon para sa cast. Nilabas ng TAG Awards Chicago ang kanilang nominasyon para sa iba’t ibang kategorya at nominated si Barbie Forteza for best actress at si Julie Anne San Jose as best supporting actress. Sobrang natuwa naman […]