Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims
- Published on August 25, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer.
Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na magpalabas ang state insurer ng circular na pansamantalang sinusupinde ang pagbabayad sa mga claims.
Pinatunayan lamang ng PhilHealth na ang ipinalabas nitong circular ay isang “fraud-control measure” matapos na imbestigahan ang ahensiya sa P153.7 bilyong pisong nawala o nalugi rito mula taong 2013 hanggang 2018.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan lamang na bayaran ng PhilHealth ang lahat ng hospitals’ claims dahil ang naging banta ng mga osiptal na kakalas sa PhilHealth ay isang malinaw na makadidiskaril sa universal health care law.
Ang mga pribadong ospital ang nagbibigay ng bultong health care services sa bansa.
Makabubuti sa PhilHealth na imbestigahan ang claims sa halip na bantaan ang mga ospital na iba-blacklist.
“Ang gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth ang siyang bibili ng lahat ng medical goods and services kaya itong banta nila [private hospitals] na sila ay titigil na magbigay serbisyo at magdi-disengage sa PhilHealth, that has the potential of derailing the universal health care law,” anito.
“Ang panawagan ko sa PhilHealth, magbayad kayo ng mga dapat bayaran. Totoo, maraming ma-anomalyang mga claims. Ang dapat gawin diyan, litisin ang magsusumite ng mga fictitious claims at mga ma-anomalyang claims, ‘wag natin gamitin ‘yung blacklisting o ‘yung threat of blacklisting dahil hindi kakayanin ma-implement ang universal health care law na pang-gobyernong hospital lamang ang magbibigay ng serbisyo lalung lalo na sa panahon ng pandemya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, tinawagan din ng pansin ni Sec. Roque si PhilHealth President and Chief Executive Officer Dante Gierran na sibakin sa puwesto ang mga tiwaling opisyal na di umano’y sangkot sa maanomalyang hospital claims.
“Ang panawagan ko kay Atty. Gierran, bakit iisa pa lang ang natatanggal sa PhilHealth dahil sa mga anomalya, nag-resign pa? Ang ibig mo bang sabihin lahat ng mga anomalya sa nakalipas, eh narariyan pa rin lahat ng tao na responsable diyan at ni isang tao sa PhilHealth hindi dapat sibakin? Hindi kapani-paniwala ‘yan,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
3 drug suspects tiklo sa P550K shabu sa Caloocan
MAHIGIT P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]
-
Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel
PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin. Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea. […]
-
Ayon sa paniniwala nina ER at Jeric: DAVID, puwede na maging next big action star
SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla. Sa trailer, makikita mo ang husay sa mga action scenes niya si David, na ayon sa […]