Malakanyang, pagsisikapan na makamit ang zero hunger, food security
- Published on April 23, 2024
- by @peoplesbalita
PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahalaan.
Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, inatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at instrumentalities at lahat ng local government units na suportahan ang implementasyon ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program.
Ang EPAHP ay isang programa ng Task Force on Zero Hunger, na naglalayong “to institutionalize efforts to mitigate hunger and promote food and nutrition security by linking community-based organizations to prospective markets and providing credit assistance to support food production, processing and distribution.”
“It is imperative for all government agencies and instrumentalities to support the continuous and effective implementation of the EPAHP Program to bolster government efforts towards attaining zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture,” ang nakasaad sa MC.
Sa ulat, tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom makaraang makapagtala ito ng 12.6 percent, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Disyembre ay mas mataas sa 9.8 percent noong September 2023.
Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 puntos sa Balance Luzon, at 2.6 puntos sa Visayas samantalang 4.6 puntos sa Metro Manila.
Sa layuning kagyat na matugunan ang pagkagutom, inatasan ang task force na tiyakin ang patuloy at epektibong implementasyon ng EPAHP Program, at magsagawa ng hakbang sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang palakasin ang “institutional feeding programs ng partner agencies; palawigin ang credit assistance para suportahan ang food production, processing, at distribution sa partnership kasama ang government financial intuitions; at link participating CBOs sa mga prospective markets.”
May mandato naman ang task force na paigtingin ang probisyon ng farm production technologies at ekstensyon ng serbisyo sa government-assisted family farms at rural based-organizations; at palakasin ang pagpapanatili sa EPAHP Program sa pamamagitan ng implementasyon ng mga polisiya na makauugnay sa pribadong sektor at i-institutionalize ang mean ismo sa LGUs.
Inatasan din ito na i-adopt ang Community Participation Procurement para hikayatin ang CBOs na magpartisipa sa EPAHP program; at magtatagk, magkumpuni at ayusin ang ‘irrigation facilities at appurtenant structures’ sa irrigable areas sa bansa. (Daris Jose)
-
Williams hahakot ng 3 tropeo sa PBAPC Awards Night
IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hunyo 21 sa Novotel Manila Araneta Center. Pamumunuan ng Fil-Am guard ang All-Rookie team kasama sina Jamie Malonzo (NorthPort), Calvin Oftana (NLEX), Leonard Santillan (Rain or Shine) at […]
-
PBBM, nagpasaklolo na sa private banks sa pagtugon sa housing backlog
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa private banks at hiniling na makipagtulungan sa government financial institutions sa paggawa ng sistema na magpopondo para sa housing program ng kanyang administrasyon. Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), tinuran ni Pangulong Marcos ang “indispensable support” ng private banking sector sa idinaos na […]
-
PTFoMS, hiniling sa PNP na imbestigahang mabuti ang pagpatay sa dating journalist na si Gwenn Salamida
HINILING ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpatay sa dating journalist Gwenn Salamida nitong nakaraang araw ng Martes. Sinabi ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco, na bagama’t walang kinalaman o kaugnayan ang motibo ng pagpatay kay Salamida sa kanyang dating journalism […]