Malakanyang, pinabulaanan na may exodus sa mga POGO
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
ITINATWA ng Malakanyang na may exodus sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malinaw ang requirements ng Department of Finance (DOF) para sa muling pagbabalik ng POGO operations.
Iyon nga lamang aniya ay may ilang POGO firms na bigong magbayad ng kanilang tax dues, na isang requirement bago mag-resume ng operasyon.
Tinatayang nasa 20 mula sa 60 lamang ang sumunod sa requirements ng Department of Finance at Bureau of Internal Revenue.
“Hindi naman po exodus ‘yan dahil malinaw naman po ang naging polisiya ng Department of Finance: Pay up otherwise hindi kayo pupuwedeng mag-POGO operations dito,” ani Roque.
Subalit, sinabi ni Sec. Roque na mayroong POGO operator ang umalis ng bansa dahil pinaghihinalaan ito ng Chinese Government na pinopondohan ang mga demonstrador.
Aniya pa, dapat matuwa ang mga kritiko ng POGO lalo na at nababawasan ang mga nag-o- operate nito sa bansa.
Sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), aabot sa 94.7 billion pesos ang naiaambag ng POGO sa ekonomiya ng Pilipinas na maaaring umabot ng hanggang 104 billion pesos.
Ang reaksyon ng Malakanyang ay kasunod ng pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na naabisuhan umano siya mula sa may-ari ng gusali sa Makati City na ang mga offshore gaming operators ay nagsimula nang magkansela ng kanilang lease contracts.
Napag-alaman na una nang sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairperson Andrea Domingo na mayroong halos 90,000 Chinese nationals sa POGO industry. (Daris Jose)
-
Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad
Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China. Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang […]
-
Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na
Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics. Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics. Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang […]
-
Highlights video ng ‘Nagbabagang Luha’, milyun-milyon na ang views; CLAIRE, patuloy na kinaiinisan ng netizens
UMANI nang mahigit one million views ang highlights video ng October 2, 2021 episode ng GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha sa loob lamang ng isang araw. Sa ngayon, mayroon ng 2.4 million views ang highlights video na naka-upload sa official Facebook page ng GMA. Ang nasabing highlights video ay nagpapakita […]