• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes

AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.

 

“Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa isang media interview.

 

Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano ito gagalaw kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong itong pera.

 

Giit ng dating Pangulo na “Malacañang-sponsored” ang pag-atake sa kanya ni Trillanes.

 

Binanggit ito ni Digong Duterte sa isang phone call sa kanyang legal counsel Salvador Panelo, na naka-aired live sa social media.

 

Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Digong Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.

 

Sa ulat, halagang uminit ang ulo ni dating pangulong Duterte sa pagdinig sa Kamara nitong Miyerkules matapos siyang akusahan ng isang dating senador na nagbenepisyo ng pera mula sa ilegal na droga.

 

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi tutulong bagamat hindi rin haharangin ng gobyerno ang International Criminal Court kung gustong magpaimbestiga ni Digong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 21, 2022

  • JOHN, level-up na ang career dahil isa na sa direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    INANUNSYO ng Cornerstone, ang talent agency ni John Prats, na nag-level up na ang career ng dahil isa na rin siya direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.     In fact, nabasa na nga name ni John bilang isa sa co-directors ng action-drama series ng ABS-CBN.     By accident ang pagpasok ni John sa pagdidirek. Ang […]

  • KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA

    ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023  sa Enero 9.     Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad.     […]