• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinangalanan ang mga bagong Marcos appointees sa DTI, NAP, DND

INANUNSYO ng  Presidential Communications Office (PCO) ang bagong appointees ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ang mga bagong opisyal na itinalaga sa National Archives of the Philippines (NAP), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of National Defense (DND) ay sina: Victorino M. Manalo,  Executive Director ng NAP. Manalo,  humahawak ng kaparehong posisyon noong termino ni dating Pangulong  Benigno Aquino III, at itinalaga bilang Chairperson ng  National Commission for Culture and the Arts noong Enero 2023.

 

 

Si Wena M. Buston ay itinalaga bilang Provincial Trade and Industry Officer sa  DTI, ayon sa  PCO.

 

 

Sina Manalo at Buston ay kapwa itinalaga noong Abril 18.

 

 

Sa  DND naman ay may tatlong bagong  appointments noong  Abril 13, dalawang opisyal ang napasama sa ranks ng Brigadier General sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) –Philippine Army, ang mga  Brig. Gen. Erwin Alea at  Brig. Gen. Eugene Mata.

 

 

Si April Bayabao ay na- promote naman bilang  Lieutenant Commander ng  AFP- Philippine Navy, ayon sa PCO. (Daris Jose)

Other News
  • PNP Cavite, palaisipan sa kaso ng pari na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse

    PATULOY  pang iniimbestigahan ngayon ng Cavite Police Provincial Office ang motibo kaugnay sa isang parish priest na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse.     Una rito, natagpuan araw ng Linggo sa Silang, Cavite ang pari na naiulat na ilang araw ng nawawala o missing.     Ayon kay Silang chief of police, Lt. Col. […]

  • Sona barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO

    ISINUOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang barong na gawa ng artisans mula Calabarzon at Western Visayas para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (Sona), noong Lunes, Hulyo 22, 2024. “[President Marcos’] Sona barong is a collaborative work of artisans from Lucban, Quezon, Taal, Batangas, and Aklan,” ayon sa  Presidential Communications Office (PCO) […]

  • Panelo, binuweltahan si Trillanes

    BINUWELTAHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV makaraang bansagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “narcissist”.   “Palibhasa kasi pag nakikita nitong dating senador na ito ang sarili niya sa salamin, nakikita niya ‘yung paglalarawan niya kay Presidente actually ang nilalarawan niya siya ,” ang pahayag ni Panelo sa kanyang […]