• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team

LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30.

 

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition Committee (PTC).

 

 

“The PTC will oversee the implementation of the transition activities of the entire government and see to it that delivery of services to the public remains unhampered,” ayon kay Medialdea.

 

 

“The AO also directs all departments, bureaus, and instrumentalities of government to create their own internal transition committees,” dagdag na pahayag ni Medialdea.

 

 

Si Medialdea ang magsisilbing chairperson  ng komite.

 

 

Ang mga miyembro naman nito ay kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III,  Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda, at Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority chief Karl Kendrick Chua.

 

 

“We will work closely with the representatives of the incoming administration to ensure a peaceful and orderly transfer of power,” ani Medialdea.

 

 

Samantala, base naman sa unofficial count, kapwa malaki ang naging kalamangan ng bilang ng boto nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate, Sara Duterte, sinasabing mahigit na sa 98% ng election returns ang naipadala na sa Commission on Elections. (Daris Jose)

Other News
  • Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

    ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).     Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]

  • Na-challenge sa kakaibang karakter sa miniseries: ANDREA, tuwang-tuwa sa magagandang reviews ng netizens

    NA-CHALLENGE si Andrea Del Rosario sa kakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger.   Ginagampanan ni Andrea ang role na Lorraine, ang ina ni LJ (Gabbi Garcia) na kinakatakutan ang isang misteryosong anino na kung tawagin ay Lilom.   “Mayroon siyang unexplained fear of the dark. […]

  • Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

    MAGKAKALAT  ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.     Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]