• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pumiyok: ‘No choice’ but to escalate NCR to alert level 3–Nograles

UMAMIN ang Malakanyang na “no choice” ang gobyerno kundi ang ibalik ang National Capital Region (NCR) sa alert level 3 bunsod ng nagpapatuloy na surge ng Covid-19 case dahil sa holiday season.

 

Ang pag-amin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na pumasok ang Kalakhang Maynila sa unang araw ng nagbabalik na alert level 3, simula ngayong araw, Enero 3 hanggang Enero 15.

 

Ani Nograles, ang pagsirit ng coronavirus disease (COVID-19) cases noong huling bahagi ng nakalipas na buwan ang dahilan kung bakit ” no choice” ang pandemic task force ng gobyerno.

 

“Tumama talaga sa mga parameters for alert level 3. No choice talaga tayo,” ayon kay Nograles.

 

“If you look at the numbers, right now nakikita natin yung positivity rate tumataas and positivity rate translates to more cases. Dumami ang kaso natin. Umakyat nang umakyat,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

Inulit ni Nograles na hindi mag-aalinlangan ang pamahalaan na itaas ang alert level classification sa isang lugar kung kinakailangan.

 

“We said we will not hesitate to increase the alert level kung kinakailangan and that’s exactly what happened for Metro Manila. So we immediately increased alert level,” ayon kay NOgrales.

 

Sinabi nito na dapat sana’y mananatili ang NCR sa alert level 2 hanggang Enero 15.

 

“As of Jan. 2,” nakapagtala ang bansa ng positivity rate na 19.6 percent at nakapag-rehistro ng 4,600 bagong COVID-19 cases. Mayroon ding 21,418 active cases “as of Sunday evening.”

 

Tinukoy ni Nograles ang report mula sa Department of Health (DOH), aniya, ang “onset of the symptoms” ay dumating noong Disyembre 20, na ang ibig sabihin, ang mga indibiduwal na tested positive ay exposed sa virus noong mid-December.

 

“If you go by the characteristics of the virus, exposure might have happened [around] five to seven days before,” ani Nograles.

 

Samantala, hinikayat naman ni Nograles ang publiko na i-isolate ang kanilang mga sarili at kaagad na mag-covid 19 test kapag nakaranas ng COVID-19 symptoms, batid naman ng lahat na may posibilidad na maraming mamamayan ang hindi aware na mayroon na silang virus.

 

“When you feel something is not right, ‘wag ka nang lumabas. Isolate ka na . Treat it as if you have it,” ani Nograles.

 

“‘Wag ka na muna mag-report sa work, mag-isolate ka muna, and then magpa-test na kaagad,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Let us try to protect everybody, in our families, in our community, in our workplaces.”

 

Araw ng Biyernes nang sabihin ng Malakanyang na isa sa mga dahilan kung bakit inilagay sa ilalim ng alert level 3 ang Kalakhang Maynila ay dahil sa mataas na posibilidad ng local transmission ng Omicron variant. (Daris Jose)

Other News
  • TBA Studios’ ‘Dito at Doon’ (Here and There) to Have a World Premiere at Osaka Asian Film Festival

    JP Habac’s upcoming film Dito at Doon (Here and There) starring Janine Gutierrez and JC Santos, will  premiering at the 2021 Osaka Asian Film Festival in March.     The film will be screened at the Cine Libre Umeda in Osaka on March 9 and March 13 as part of the festival’s New Action! Southeast […]

  • 40 na bagong sasakyan ng PCSO, binasbasan sa Maynila

    Binasbasan ng isang pari ang 40 pirasong bagong yunit ng mga sasakyan na ibibigay sa iba’t ibang mga (LGU) mula sa tanggapan ng PCSO sa San Marcelino sa Maynila sa pagsisikap na mapagbuti ang agarang pagtugon ng mga serbisyong pang-emergency sa publiko.   Nagkakahalaga ng P1.5 milyong piso bawat isa, idinagdag ni PCSO Chairman Royina […]

  • After na sorpresahin ang asawa sa ‘Eat Bulaga’: Super sweet na birthday message ni ARJO kay MAINE, kinakiligan ng netizens

    SUPER sweet ng birthday message ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang asawa na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan last Sunday, March 3, 2024.   Sa kanyang Instagram, in-upload ni Arjo ang nakakikilig na photos nila ni Maine, kasama nga ang super sweet birthday message sa kanyang wifey.   Caption ni Arjo, […]