• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.

 

 

Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa protected area sa Masungi Georeserve sa Rizal province.

 

 

“Safeguarding the environment and natural resources is an important component in our sustainable development,” ayon sa kalatas ni Andanar.

 

 

Idinagdag pa nito na nag-aalala ang Malakanyang sa napaulat na illegal development activities sa nasabing lugar.

 

 

“We urge the (DENR) Anti-Illegal Logging Task Force to look into the matter and file the necessary charges against violators of environmental laws,” aniya pa rin.

 

 

Ang panawagan na ito ng Malakanyang sa DENR ay matapos na hilingin ng mga environmentalists at educators, sa kanilang joint letter, kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at acting Environment Secretary Jim Sampulna na suspendihin ang quarrying activities sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Rizal.

 

 

Noong nakaraang Pebrero 18, dalawang forest rangers ang nasaktan matapos na atakihin ng di umano’y residente ng Baras, Rizal.

 

 

Sinabi ng Masungi Georeserve Foundation (MGF) na isa sa mga umatake ay empleyado ng resort na nakatanggap ng cease-and-desist order mula sa DENR para sa building illegal structures sa loob ng protected area. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit may namba-bash at nauumay na: MARIAN, tuloy lang sa paggawa ng dance videos na may million views

    DAHIL sa bonggang-bongga na reaksyon ng netizens, tinuloy-tuloy na ni Kapuso Primetime Queen Marian ang paggawa ng dance videos sa TikTok.   Ang una niyang dance video na kung saan sinayaw niyang 2011 hit song ni Jessie J. na “Price Tag” ay nakakuha ng milyung-milyong views. Nasundan pa ito ng tatlong dance videos, kaya umabot […]

  • Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

    MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.     Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o […]

  • Nietes tindero na

    RUMARAKET muna sa kanyang maliit na negosyo si dating four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes lalo pa’t walang laban ngayong panahon ng COVID-19.   Ipinahayag kamakalawa ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang trabaho.   “Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,”salaysay ni boksingero. “Nagtitinda ako ng […]