Malakanyang, tikom ang bibig sa ulat na lumipad pa-Singapore si PBBM para manood ng F1 Grand Prix
- Published on October 4, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILING tikom ang bibig ng Malakanyang kaugnay sa ulat na lumpipad patungong Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para manood ng F1 grand Prix.
Hanggang ngayon kasi ay hindi sumasagot ang Malakanyang sa “multiple requests for a statement” ukol sa di umano’y weekend trip sa Singapore ng Pangulo sa kabila ng nagkalat na sa social media ang mga kuhang larawan nang pagdalo ng Pangulo sa nasabing event.
Makikita rin sa official website ng F1 Singapore ang mga kuhang larawan ng anak ng Pangulo na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.
Matatandaang nito lamang araw ng Biyernes, inulan na ang Office of the Presss Secretary (OPS) ng mga tanong at request para kumpirmahin nga ang nasabing biyahe ng Pangulo subalit walang naibigay na impormasyon ang OPS.
Samantala ang F1 Grand Prix, ang una matapos ang dalawang taon ay idinaos sa Marina Bay street circuit. (Daris Jose)
-
Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang
IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus. […]
-
Here’s everything you need to know before watching “Dune: Part Two” on February 28
Haven’t gotten around to watching the first Dune? Warner Bros. has just released a “catch-up video” to get you up to speed before watching Dune: Part Two, the highly anticipated big-screen, epic adventure of the year. Catch up in under two minutes here: https://youtu.be/74MYxtaZN6U Tickets to Dune: Part Two are also available now. Don’t miss […]
-
ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN
NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan […]