Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo
- Published on June 8, 2022
- by @peoplesbalita
SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo.
“Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” ayon kay Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.
Tiniyak nito na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa sanhi ng ‘tight supply’ sa global oil market.
Binanggit nito ang patuloy an pagsisikap ng pamahalaan na i-roll out ang fuel subsidy ng Department of Transportation para sa mga beneficiaries.
“Nasa mahigit 180,000 public utility vehicle operators ang nabigyan na ng fuel subsidy, as of June 1, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, matagal nang nagrereklamo ang mga jeepney drivers at operators ukol sa patuloy na pagtatas sa presyo ng langis lalo pa’t nakasandal lamang ito sa kanilang pang-araw- araw na trabaho.
Ayon sa transport group Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide, karamihan sa mga PUJ drivers ay kumikita lamang ng P300 kada araw o sapat na kita para ipakain sa kanyang pamilya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
French tennis player Benoit Paire, tinanggal sa US Open matapos magpositibo sa COVID-19
Tinanggal sa listahan ng US Open player si Benoit Paire ng France matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19. Nakatakda sana nitong makaharap si Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament. Dahil sa ito ay papalitan siya ni Marcel Granollers ng Spain. Base sa natanggap na impormasyon ng […]
-
Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education
HINDI na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023. Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera. Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order […]
-
No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan
NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila. Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa […]