• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang maibigay na assurance sa mga nagdududa sa pagreretiro ni Pangulong Duterte sa politika

HANDS OFF na ang Malakanyang sa mga taong nagdududa sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magreretiro na siya sa pulitika sa oras na matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

 

Tugon na rin ito ni Sec. Roque sa tanong kung seryoso ang Pangulo sa pahayag niyang ito dahil na rin sa taong 2015 nang sabihin nito na magreretiro na siya sa politika at hindi tatakbo sa pagka-pangulo subalit pareho namang hindi nangyari.

 

“Wala na po akong assurance na maibibigay doon sa talagang gustong magduda,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung talagang may nagdududa antayin natin ang October 8. Kung mayroon pang nagduda antayin natin ang November 15 dahil hanggang dun ang substitution,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang 2015, nang mag-substitute si noon ay Davao City Mayor Duterte kay Martin Diño bilang standard bearer ng PDP-Laban para sa 2016 presidential race.

 

Pebrero 2016, nang magpalabas ng kautusan ang Commission on Elections First Division na “validly substituted” na si Diño ni Duterte bilang PDP-Laban standard bearer dahil sa maling pagkakasulat ni Diño ng Mayor ng Pasay City sa kanyang deklarasyon ng kandidatura subalit ang inihain sa certificate of candidacy ay para sa pagka-pangulo.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte na magreretiro na ito sa larangan ng politika.

 

Ito ay matapos bawiin nito ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban sa posisyong bise presidente sa 2022 national elections.

 

Ani Duterte, ito ay bilang pagsunod niya sa gusto ng sambayanan na magretiro na sa politika.

 

Samantala, pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy si Senate Health Committee Chairman Christopher “Bong” Go bilang kapalit ni Duterte sa pagka-bise presidente.

 

Matatandaan noong Agosto ay inihayag ng pangulo na tatakbo ito bilang bise presidente sa halalan kung saan umani ng batikos mula sa publiko. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • New ‘Eternals’ Teaser Showcases Each Hero’s Superpowers

    A new Eternals teaser showcases how powerful each hero is. In a month, Marvel Studios will make its return to the big screen with Chloé Zhao’s upcoming MCU blockbuster.     Set to introduce a whole new team of superheroes, the Eternals’ arrival is expected to change the franchise’s overall power hierarchy.     One of the projects […]

  • Ipagpapatuloy ang legacy at advocacy ni Susan: COCO, inamin na nasa puso na niya ang ‘the right one’

    OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.     Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine […]

  • STUNTS 101: GET TO KNOW THE STUNTS AND THE AWESOME PEOPLE BEHIND THEM IN “THE FALL GUY”

    In every action film, the pulse-pounding sequences are a testament to the dedication and talent of the stunt team.   Watch the new featurette “The Fall Guy | A Look Inside”   For “The Fall Guy,” it was pivotal for director David Leitch (who used to be a stunt performer himself) and producer Kelly McCormick […]