• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

 

Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account.

 

“It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I don’t think we’ll achieve anything by that,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Basic principle na ‘pag may pandemya, ibigay muna ang kinakailangan at huwag munang pag-usapan ang liderato,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, bumwelta si Senador Ping Lacson sa kanyang twitter account patungkol sa situwasyon ng bansa dahil sa covid 19.

 

Ayon kay Lacson, kailangan ng Department of Health (DoH) ng leader na marunong mamuno.

 

“With less than 100, 000 tests so far conducted and quite a number of RT-PCR tests not yet run but just stored, we may outdo the Spanish flu of 1918 that lasted 36 months and up to 50 million deaths.” ani Lacson.

 

Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay hindi nakadepende sa iisang tao lamang.

 

“We have a whole-of-government approach,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]

  • Nag-leave sa senado para magpagaling: Sen. BONG, ‘di na muna itutuloy ang pagbabalik-pelikula

    IIWANANG pansamantala ni Senator Bong Revilla ang senado.       Nag-medical leave ang senador last Tuesday, May 14 ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.       Kailangan kasi ni Sen. Bong na ipahinga nang husto ang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling nito.       […]

  • Brooklyn Nets posibleng magkampeon, Durant tatanghaling MVP – NBA GMs survey

    Pinakapaborito umano ngayon ang Brooklyn Nets na siyang hinuhulaang magka-kampeon sa bagong season ng NBA.     Ito ang lumabas sa taunang survey ng 30 mga general managers.     Nakatanggap daw ng 72% na mga boto ang Brooklyn na sa tingin nila ang siyang mananalo.     Lumabas din sa survey na may posibilidad […]