Malakayang, nilinaw na mga OFW lang ang hindi magbabayad ng hotel quarantine sa kanilang pagdating sa bansa
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-linaw ng Malakanyag na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang mabibigyan ng libreng hotel quarantine sa harap ng bagong testing at quarantine protocol na ipinatutupad sa mga umuuwing Pinoy sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat ikakarga sa PHILHEALTH ang bayarin sa swab test ng mga magbabalik bayang OFWs ay hindi naman babalikatin ng pamahalaan ang hotel accomodation ng mga non- OFW.
Tanging ang mga OFWs lang aniya ang sasagutin ng gobyerno para makapag- quarantine ng limang araw sa hotel na may accreditation mula sa pamahalaan.
“Oo, sa mga OFWs dati na pong libre iyan ‘no— Opo, sagot po natin iyan dahil sagot naman po iyan ng PhilHealth din ‘no. So, wala naman po silang iintindihin,” aniya pa rin.
” Well, iyong quarantine hotel, talagang sila po ang magso-shoulder. Iyong swab test, kung mayroon naman po silang PhilHealth at kung sila po eligible doon sa expanded testing protocols natin ay pupuwede mapasagot din po iyan sa PhilHealth,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ilalim ng bagong panuntunan para sa mga umuuwing balikbayan, otomatikong diretso ang mga ito sa quarantine pagdating ng Pilipinas at pagdating ng ika – anim na araw ay sasalang na ito sa swab test.
Kapag nag- negatibo ay ieendorso sa LGU para sa tuloy tuloy na quarantine para makumpleto ang 14-day quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P20/kilong bigas posible sa ‘unang bahagi ng 2023,’ sabi ng DAR chief
KUNG SUSUNDIN ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mungkahi ng Department of Agrarian Reform (DAR) patungkol sa isang “mega farm project,” iginigiit ng kagawaran na posibleng makatikim ang publiko ng P20/kilong bigas kahit sa maagang yugto ng 2023. Ito ang sinabi ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz, Lunes, sa isang press conference […]
-
3 CHINESE NATIONAL, INARESTO SA PANUNUTOK NG BARIL
ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mambugbog at nanutok ng baril sa isang tricycle driver sa Binondo, Maynila Kinilala ang mga naaresto na sina Jialuo Yan, Jimmy Dy, Benson Tan. Sa ulat ng Manila police District (MPD), kapwa nakainom ang mga suspek nang matyempuhan ng mga operatiba na binubugbog ang mga […]
-
Kaya nagpapaganda ng katawan: KRISTOFFER, naghahanda sa pagsali sa triathlon at sa mega serye
MAY dahilan kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin. Naghahanda siya para sa kanyang pagsali sa triathlon. Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita ang bortang katawan niya na subsob sa workout at training. Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it […]