• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking alokasyon sa DA sa 2023 budget

IKINAGALAK  ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ang panukalang 40% increase ng executive branch sa budgetary allocation ng Department of Agriculture (DA) sa 2023 National Expenditure Program (NEP).

 

 

“Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39% ang itinaas ng Department of Agriculture so this is good news to the farmers,” anang mambabatas.

 

 

Tinotoo rin aniya ni Pangulong Bongbong Marcos ang pahayag nitong number 1 sa agenda niya ay food security.

 

 

Matatandaan na boluntaryong kinuha ni Marcos ang tungkulin bilang kalihim ng DA secretary nang magsimula itong manungkulan bilang pangulo upang mapaghandaan ng ahensiya ang posibleng food supply crisis.

 

 

Una nang tinanggap ng kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ang 2023 NEP mula kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nitong Lunes.

 

 

Base sa NEP, ang panukalang badyet para sa DA sa susunod na taon ay  P184.1 billion. Mas mataas ito ng P81.6 billion sa 2022 NEP allocation ng ahensiya na P132.2 billion. (Ara Romero)

Other News
  • Simmons sinuspendi ng 1 laro ng 76ers

    Sinuspendi ng Philadelphia 76ers ng isang laro si Ben Simmons dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kapwa manlalaro nila.     Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Simmons sa pagharap ng koponan laban sa New Orleans Pelicans.     Sinabi Sixers coach Doc Rivers na may ibang manlalaro pa na papalit sa puwesto ni Simmons.   […]

  • Bulacan achieves Hall of Fame award for Local Revenue Generation

    CITY OF MALOLOS- The consistent and exemplary performance of the Province of Bulacan in local revenue collection under the administration of Governor Daniel R. Fernando has once again been recognized as the Department of Finance (DOF)-Bureau of Local Government Finance (BLGF) conferred to the province the Hall of Fame award for Local Revenue Generation during […]

  • Mahigit 1-M doses ng Pfizer vaccines panibagong dumating sa PH

    Natanggap ng bansa ang panibagong mahigit isang milyon doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer.     Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang 1,078,740 Pfizer vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8:00 kagabi (Disyembre 1).     Ito ang unang bahagi sa tatlong deliveries sa mahigit […]