Malaking blessing na kasama sa public service program: SHERILYN, parang nakakulong sa patuloy na pagbabayad ng mga utang
- Published on March 2, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking blessing para sa kanya na napasama siya sa newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, na naka-iinspire ang mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, na magsisimula na bukas, ika-3 ng Marso sa GMA-7.
Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Partylist Rep. Wilbert T. Lee.
Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa programa ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na tayo mawalan ng pag-asa. ”
“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”
Linggo-linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng mga host para interbyuhin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.
Sa pilot episode ngayong Linggo, ika-7 nang umaga ng “Si Manoy ang Ninong Ko”, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.
Inamin ni Sherilyn na nagiging emosyonal siya bawat episode na nagagawa at nakakaharap na nila ang mga kailangang tulungan.
“Medyo mahirap yung ginagawa namin, pero hindi mo iisipin ang hirap, kasi mahihiya ka sa mga taong nakikilala mo.
“Parang wow, grabe, nakakahiya naman kung magko-complain pa ako. Parang matutuwa ka na lang doon sa mga mangyayari.
“Tapos halos sa bawat episode, umiiyak ako.
“Katulad nitong sa Guimaras episode, doon sa payoff, usually masaya sila, dahil may ibibigay.
“Pero nakita ko na nag-iiyakan sila, tapos yung iyak nila, tagos talaga sa puso. Kaya naiyak na rin kami, alam mo yun iyak natin na pangit, dahil sobrang sakit, ganun.
“May na-mention din ang mag-asawa na ‘yung anak nila, once a day lang pinapakain, breakfast lang. Kaya alam mo yung luhang lumabas na lang.
“Kaya hindi mo maiiwasan na maging involved somehow at kung may maitutulong ako, gagawin ko, pero ano lang ‘yun kumpara sa tulong ni Manoy Wilbert.
“Kailangan ko nga ng tulong eh, di ba?”
Dahil sa mga naranasan niya sa programa, in a way ay nakalilimutan niya ang sariling problema.
“Malilimutan mo talaga ang pinagdadaanan mo, kasi magpo-focus ka sa pinagdadaanan nila. Bibilib ka, parang ang tibay naman ng mga ito.
“Grabe, parang ‘yun nga ang hirap, gusto lang naman nilang makakain ng twice or thrice a day, ang simple.
“Tapos ikaw, konting problema lang, may reklamo ka na agad, parang nakakahiyang magreklamo. Kung alam lang nila ang mga taong nakakasalamuha ko, mahihiya ka rin.”
Napag-usapan din ang pagkakaroon nila ng utang na P37 million dahil na-swindle siya noong 2019 at malaking halaga nga ang itinakbo, na nagpadapa sa kanilang mag-asawa.
“37 million yun, pero may 4% interes pa sa tatlong taon, kaya kaming mag-asawa, dumapa talaga.
“Buti pa nga dito sa show, siguradong may tulong na ibibigay.
“Ilang beses na kaming humingi ng tulong, merong hihindi, may tutulong pero ipi-pressure ka naman na bayaran na ang utang sa kanila.
“Sino ba ang ayaw magbayad? Until now, ang feeling ko, parang naka-jail ako. Kasi pag may gusto akong bilhin, hindi puwede, dahil may magsasabi na may utang ka pa sa akin, bat mo binili yan.”
Update ni Sherilyn sa natitirang utang na dapat nilang bayaran ay nasa P10 million pa.
“Isipin nyo talaga yun interest, from P37M, magkano ‘yun, doon talaga kami nalunod sa interes.”
Malaki ang naitulong ng anak niyang si Ryle Santiago, dahil pinahiram nito ang kanyang ipon.
“Si Ryle, nag-start na uling mag-ipon. Since pumasok yun live selling niya sa TikTok at nasa Viva na rin siya.
“Sinabihan na rin namin siya na ‘wag nang tumulong sa amin. Kasi, buong savings niya ang nahiram namin, pero wala kaming narinig sa kanya. Ang babait talaga ng mga anak ko, hindi sila nagrereklamo.”
At sa kanilang pinagdaanan at dulot ng pandemic ay mas naging close sila at mapagpasalamat.
“Dahil sa kalagitnaan ng pinagdaanan namin, we learned to just be happy, kung anong meron kami. Nakuntento kami at naging grateful na walang maysakit at kumpleto pa rin kami, mas naging buo.”
(ROHN ROMULO)
-
PBBM, pinuri si Manny Villar sa naging papel nito para sa mas lalo pang pinahusay na ugnayan ng Pinas at Japan
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang business tycoon at dating Senate president Manuel “Manny” Villar para sa naging mahalagang papel nito para lalo pang mapahusay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Ito’y matapos na saksihan ni Pangulong Marcos ang ipinagkaloob na Order of the Rising Sun ng Japanese government […]
-
MATT DAMON STEPS INTO A SPORTS VISIONARY’S SHOES IN “AIR”
WHO is Sonny Vaccaro? It was 1984 and Vaccaro, a basketball expert at Nike, hadn’t had much success recruiting top players to Nike’s basketball division. Converse had all but cornered the market with superstars like Magic Johnson and Larry Bird. Adidas, hyping its cool factor, was attracting the hot prospects from the draft, including […]
-
Tom Holland Clarifies What Is Going On For The Future of MCU ‘Spider-Man 4’
WITH Spider-Man: No Way Home completing the MCU’s first Spider-Man trilogy, Tom Holland chats about his future as Peter Parker. 2021 ended on a big note for Marvel Studios, as well as Sony Pictures, thanks to their co-produced Spider-Man threequel. After the major cliffhanger in Spider-Man: Far From Home, the third installment went all-in as they tackled Peter’s final story in the […]