• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China

NAG-commit ang isang  Chinese construction firm ng mas maraming  investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng  public-private partnership (PPP).

 

 

Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

 

 

Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes,  ipinanukala ng China Communications Construction Co. Ltd (CCCC) ang pagtatayo ng  270-km Laoag City-Rosario City Highway Project at pagpapakilala sa Juncao technology  ng China sa PIlipinas.

 

 

Ipinanukala ng CCCC ang pagtatayo ng  Juncao Technology Demonstration Center at isang  Juncao Industrial Park para sa  Juncao grass cultivation at processing.

 

 

Ang Juncao ay isang hybrid ng Giant Napier Grass na dinivelop ng  Fujian Agriculture and Forest University mula sa 8 iba’t ibang  grasses  o damo sa pamamagitan ng  tissue culture.

 

 

Ang panukalang Juncao technology project, sa oras na maaprubahan  ay popondohan sa pamamagitan ng Chinese foreign aid.

 

 

Maliban sa nasabing panukala, nagbigay ang mga opisyal ng CCCC kay Pangulong Marcos ng update  kaugnay sa nagpapatuloy na infrastructure projects sa Pilipinas, kabilang na ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project at North & South Harbor Bridge.

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang central part  ng  economic policy ng gobyerno ay  ang  “establishment, endorsement, and promotion” ng PPPs, kung saan maaaring magpartisipa ang CCCC.

 

 

Pinalitan naman ng gobyerno ang “regulations and rules” para sa pagtatatag ng PPPs upang mas maging kaakit-akit sa mga  private corporations na pumunta ng Pilipinas at makipagtulungan sa gobyerno, ayon sa Pangulo sabay sabing hindi lilimitahan ng administrasyon ang partnerships nito sa  PPPs.

 

 

“It can be of any nature – commercial venture or joint venture with a local partner. Of course, the PPP, where you have partnership with government, even G2G — government-to-government arrangements — are also something that we have been doing for a long time and again that we wish to further,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“The Philippines has also relaxed the rules to allow foreign contractors to bring in their own professionals with the aim of encouraging technology transfer,” dagdag na wika nito.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na tutulungan ng  CCCC ang Pilipinas na maisakatuparan ang mga proyekto para tiyakin ang  environmental sustainability sa gitna ng banta ng  climate change.

 

 

Ang  CCCC ay isang  Chinese state-owned enterprise  na pangunahing nauugnay sa transportation infrastructure projects gaya ng lansangan, tulay  at mga riles.

 

 

Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit na “60 wholly owned subsidiaries” at may operasyon sa mahigit na 150 bansa at rehiyon.

 

 

Maliban sa government projects, ang  CCCC ay nuugnay din o sangkot sa nagpapatuloy na private-led reclamation projects sa Kalakhang Maynila gaya ng Pasay Harbor City Reclamation Project at Manila Waterfront City Development Project. (Daris Jose)

Other News
  • BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.     Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro […]

  • Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans

    TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today.   Una ay si Juan Karlos o JK Labajo.   Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh!   At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK.   Bago pa […]

  • 4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga

    HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]