• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking responsibilidad na makatrabaho siya: DINGDONG, nakita ang passion sa trabaho ni RABIYA

HINDI man sentro sa romantic angle ang bagong primetime series na “Royal Blood” pero still, bagong tambalan nina Dingdong Dantes at Rabiya Mateo.
Nakita naman daw ni Dingdong ang passion ni Rabiya sa kanyang trabaho.
“She’s very, very interested sa ginagawa niya. Gusto niya ‘yong ginagawa niya and sa tingin ko, pinaka-mahalaga pa rin na mahal mo ang ginagawa mo. Talagang you will really learn every day from everybody.”
Nabanggit ni Rabiya na isang malaking responsibilidad na maka-trabaho siya.
Pero, alam ba niya na may gano’n pala siyang epekto sa mga co-stars niya, lalo na sa mga baguhan pa rin na matatawag?
 “Dapat hindi,” natawang sabi niya. “Paano ba ‘yon? Siguro, just the same way kung ako rin, maka-trabaho ko halimbawa like si Tito Pip (Tirso Cruz III), always… dahil siguro nare-recognize mo ‘yung kanyang trabaho and nare-recognize mo na you will learn something from this person.
“I can answer for myself ha, I’m coming from that anticipation. And ‘yung pressure of course is there because you really have to perform.  Kailangan mo talagang gampanan ‘yong role mo.
“Para sa akin bilang isang actor, mahalaga na may gano’n din. Hindi ka kampante. Gusto mo palagi na pinu-push ‘yung sarili mo. Regardless who that co-actor is, darating at darating ‘yon.  Nag-iiba nga lang ang pagkakataon.”
Dugtong din ni Dingdong, nag-uusap naman daw sila sa set.  ‘Yung tinuran ni Rabiya, sa mediacon lang din daw niya narinig.
Ayon kay Dindong, “ Nag-uusap naman kami sa set. Relax tayo rito and we help each other. Kami ni Kuya Benjie (Paras), nagtutulungan kami.
“Kami ni Sienna, grabe kung tulungan din niya ‘ko. Gayundin kay Rabiya, kay Arthur (Solinap).  It’s just a give and take.”
Ang ‘Royal Blood’ ay napapanood na simula nitong Lune, June 19 sa GMA-7.
***
BALIK showbiz, balik pag-arte na ngang muli ngayon ang actor na si Troy Montero.
Noong June 8 lang ay pumirma ito ng kontrata sa Artist Circle ni Rams David.
Namiss daw niya ang pag-arte.
“I think, after many, many years, after talking with Aubrey, we decided that we both want, in a way, to return much stronger.  We’re there, pero minsan-minsan lang.
“Kasi, after ng pandemic, our little daughter, she’s four years old and she’s in spectrum and she really took so much of our attention and time.
“I think now, she’s four and a half and she’s doing so well, parang feeling ko, I think it’s time that we really push forward for ourselves.  Tapos, Aubrey told me, ‘sige, you muna,’” natawang sabi niya.
Malaking bagay raw na noong nagsisimula pa lang si Aubrey, masasabing isa sa nag-alaga sa kanya ay si Rams kaya sa Artist Circle nila napiling magpa-manage.
Tinanong din namin si Rams kung ano ang mga plano niya kay Troy ngayong nakapirma na sa kanila ng kontrata bilang artist.
Ayon dito, “Multi-talented si Troy. He can act, he can sing, he can dance. He can host and he’s so guwapo. He’s the golden boy now, pero hindi siya mukhang 51.
“Para sa mga endorser ng vitamins, gatas, heto na. Pwedeng-pwede and he’s physically fit talaga.”
May naging offer raw sa kanya na maging isa sa cast sana ng “Start-Up” ng GMA-7, pero kinailangan niyang tanggihan dahil sa lock-in taping.  Pero nang nakikita na raw niya itong umeere, ito raw ‘yung nasabi niyang, “Oh, sayang.”
Hanggang ngayon, kahit sa mga posting nila ni Aubrey sa social media, talagang “hot momma” at “sexy bod” pa rin sila. Kumbaga, walang kupas ang kaseksihan nila.
“Siyempre, I’m super proud kasi, we worked hard and we really tried our best to stay fit, stay healthy, stay active.  I always encourage her like sometimes, she will try something and she will say, ‘Am I too old for this?’  No, of course not, it’s so nice, you go.  We always support each other.”
Kahit ‘yung pagpapakita nila ng skin sa kanilang mga post sa social media, ramdam ‘yung suporta nila sa isa’t-isa?
“Showing skin, we’re okay,” sabi niya. “Like I’ve said, while you have it.”
Ang pagiging aspirational, inspiration daw ang isa sa gusto rin nilang mensahe na ipakita sa mga tao kaya sila nagpo-post.
At kahit ang journey nilang mag-asawa sa kanilang 4 years old na anak na si Rocket na may Austism Spectrum Disorder ay ibinabahagi rin nila at maraming nai-inspire at natututo.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Mas mabigat na parusa vs illegal foreign workers

    NAIS ni Bicol  Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa ng iligal kabilang na ang pagkakakulong ng hanggang 6 na taon at mataas na multa.     Sa House Bill 1279, pinatataasan nito sa P50,000 ang kasalukuyang nakasaad sa batas na P10,000 multa […]

  • Delta strain ng Covid-19 ‘nananatiling nasa paligid lang’- Malakanyang

    SA KABILA ng pag-aaral na nagpapakita na ang Omicron variant ay “milder strain” ng Covid-19, pinaalalahanan ng Malakanyang ang publiko na huwag maging kampante dahil mas mayroong mas “lethal strains” ng coronavirus, gaya ng Delta, ang patuloy na nage-exist.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay […]

  • Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro

    Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving.   Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials.   Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles.   Matapos ang pahingi ng paumanhin ni […]