• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malapit na raw magkaayos ayon kay Gladys: ANGELU, hoping na magkita at magkausap sila ni CLAUDINE

MASAYANG ibinalita sa amin ng premyadong aktres na si Gladys Reyes na may bago na naman siyang baby.
Ito raw ang tiyak na pagkakaabalahan niya sa susunod na mga araw.  Ang tinutukoy ng primera kontrabida ay ang pagkaroon niya ng bagong Vlog.
“Makikilala nyo na ang bago kong baby! Eto ang inyong gen C! As in Generation Clara!!! Chikahan na masaya, habang me masarap na kainan at totoong totoo lang! Namiss kong gawin to!,” pagmamalaki ni Gladys.
“Ang “GladToBeWithYou on my YouTube channel nag premiere na the other day at 8pm!!” pahabol pa rin ng esposa ni Christopher Roxas.
Isa pa rsa ibinalita sa amin ni Gladys ay ang natapos na Netflix films.
“May 2 pa rin po akong Netflix film na baka lalabas this year and bagong teleserye pa,” sey pa niya.
Happy rin si Gladys sa takbo ng kanyang negosyong “That’s Diner” na meron nang dalawang branches ngayon.
“The other day din eh, may dinner concert si Christophe sa ‘Thats Diner’ namin, hands on ako siyempre.
“Daming mga kaibigan at supporters ng anak ko ang dumating.
“Siyempre may mga friends din kami ni Christopher na dumating din para sa support na sa anak namin,” lahad pa rin ni Gladys.
Tunay ngang maganda ang pasok ng January 2025 sa mag-asawang Gladys at Christopher.
“Tuwang-tuwa kami kasi may nga regular customers at ang dami na kumakain sa Thats Diner Sta. Lucia branch meron din kami weekend buffet na dinadayo nila,” sey pa ng premyadong aktres.
Marami raw mga delicious foods at very affordable prices.
“Pero pambato talaga namin ang iba-t-ibang klase ng bulalo namin.
“Nakapunta na rin si Vice Ganda at favorite niya ang Dinakdakan. Sila Ate Uge (Eugene Domingo) at Carmi (Martin) naman ung Bulalo plain.
“Very affordable ang presyo, 300 pesos up at meron pang student meals,” sambit pa ng aktres.
***
MALAPIT na raw magkaayos ang mga kaibigan niyang sina Claudine Baretto at Angelu de Leon, ayon kay Gladys Reyes.
Matatandaang sa 20th wedding anniversary ng mag-asawa nag-umpisang napag-usapan ang gusot kina Angelu at Claudine.
Isinawalat kasi ni Claudine at paulit-ulit na binanggit ng aktres ang napipintong pagsasama sa isang project nila ni Gladys at Judy Ann with Claudine minus Angelu.
Kumbaga papayag lang daw si Claudine na matutuloy ito kung walang Angelu De Leon sa eksena.
Parehong bisita ni Gladys ang dalawa sa party na yun at wala na ring nagawa ang asawa ni Christopher sa tuloy-tuloy na pagsambulat ni Claudine dahil sa sinasabing galit nito kay Angelu.
Pero lately ay may pahayag naman ngayon si Claudine na pinagsisihan niya ang ginawa niyang yun at nag-reach out na raw ang aktres para makahingi ng sorry kay Angelu.
Pero mariing itinanggi naman ito ng huli.
“There hasn’t been an opportunity, but I’m still hoping that time will come,” sey pa ni Angelu sa interbyu sa kanya ng King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda”.
Dagdag pa ni Angelu na mula raw noon ay hindi pa raw nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sila ni Claudine.
“She lied, she didn’t reach out to me. But I’m still hopeful that time will come,” sey pa ng aktres.
Well, with Gladys Reyes around in malapit nang magkakasundo ang dalawa.
Pero ang tanong matutuloy pa kaya ang pagsasama nilang apat sa isang movie?
Well let us all hope and see…
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Jesus; Matthew 6:33

    Seek first the kingdom of God.

  • Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%

    PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department  of Health (DOH).     Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon.     Pinakamaraming   kaso […]

  • 2nd contempt order kay Cassandra Ong binawi na ng Quad Comm

      BINAWI na ng Quad committee ng House of Representative ang ikalawang contempt order laban kay Cassandra Ong.       Kasama rin na binawi ang paglagak sa kaniya sa Women’s Correctional sa lungsod ng Mandaluyong.     Ito ay matapos na pumayag na rin si Ong na pirmahan ang waiver para masilip ng Anti […]