‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.
Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.
Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi ng tunay na pangalang nakatala.
May dating mahistrado pa nga aniya na hindi makita ang record, bagay na kasama sa kanilang mga sinisiyasat.
Dagdag pa ni Garcia, may ilang botante na hindi nakapirma sa voter’s log matapos na bumoto noong mga nakaraang eleksyon, kaya nailagay sila sa talaan ng mga hindi aktibo.
Payo nito, dumulog na lang mula sa local Comelec office ang mga nakakita ng error sa kanilang precinct finder upang mabatid ang detalye kung bakit naging deactivated ang kanilang voter status. (Daris Jose)
-
6 nalambat sa P387K shabu sa Navotas
KALABOSO ang anim na drug suspects, kabilang ang dalawang high value individual (HVI) ang matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu makaraang matiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt. Col. Renato Castillo, dakong alas-10 ng gabi […]
-
Hirit ng grupo ng provincial bus, pinag-uusapan na ng IATF- Nograles
PINAG-UUSAPAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng pamahalaan ang apela ng grupo ng provincial bus sa gobyerno na full operation sa Kapaskuhan. “Kumbaga, mag-uusap about the concern at issues po tungkol diyan. And sa lalong madaling panahon, hopefully, we’ll be able to come up with the program soon,” ayon […]
-
Face-to-face classes sa NCR, sinuspinde
Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa rehiyon sa Alert Level 3 status dahil sa muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19. Sinabi ng DepEd na muli na lamang nilang ipagpapatuloy […]