• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues

NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works.

 

 

Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura.

 

 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap sa dalawang issues sa Package N-05 ng MCRP na binigay ang construction sa POSCO Engineering and Construction Col Ltd. ng South Korea.

 

 

“The DOTr faces delays in turning over to POSCO the property where the infrastructure is expected to be built. We also suffered a five-month delay in settling its dues to POSCO as agreed upon under the contract,” wika ni Chavez.

 

 

Subalit pinahayag din niya na ang naantalang limang (5) buwan na bayad sa contractor ay kanilang babayaran ngayon darating na Febuary.

 

 

“There are two major issues in the N-05 contract. First, there are delays in the handover of land to the contractor. Second, there are delayed payments. The payments are five months delayed, but are expected to be settled next month,” dagdag ni Chavez.

 

 

Kung kaya’t sinabi ng DOTr na kanilang inilipat ang target completion ng MCRP ng siyam (9) na buwan at magiging June 2025 mula sa original schedule na October 2024.

 

 

Dagdag naman ni DOTr secretary Jaime Bautista na sila ay nakikipagtulungan sa POSCO upang maresolba ang mga issues na nakakabalam sa civil works ng MCRP. Sinabirinni Bautista na ang segment na binigay sa POSCO ay kailangan matapos sa loob ng revised deadline lalo na at dito ilalagay ang depot na siyang paglalagyan ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

“This is a very important part of the NSCR, considering that the operations control center of the project would be located here. The operations control center is the heart of the operations. It is then important that we complete this as planned and on time. There are issues that need to be resolved and the DOTr will work closely with the contractor,” saad ni Bautista.

 

 

Ayon sa report, nagkaroon ng problema sa pagpuputol ng mga fruit-bearing trees sa 36-hectare na lugar kung saan itatayo ang depot na siyang naging sanhi ng turn-over ng property na behind schedule.

 

 

Noong katapusan ng taong 2022, ipinahayag ng POSCO na natapos na nila ang third-segment na may 48 buildings at facilities na siyang magiging depot.

 

 

Ang Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency ang siyang nagpondo ng $4.76 billion sa Philippines para magawa ng MCRP.

 

 

Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Malolos, Bulacan at Clark, Pampanga kung saan ito ay magiging 30 minuto na lamang.  LASACMAR

Other News
  • SSS at BI kapit-bisig sa pagbibigay ng social security coverage sa mga empleyado

    LUMAGDA sa isang memorandum agreement ang  Social Security System (SSS) at Bureau of Immigration (BI) upang pagkalooban ng social security coverage ang lahat ng job order at contract of service ­workers  ng BI.     Personal na nilagdaan ang naturang kasunduan nina SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at BI Commissioner Norman […]

  • Eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18: KIM at PAULO, itatampok ang tatak Pinoy na kilig sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’

    UMAAPAW na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18.  Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino. “As proud […]

  • P2-P2.20 rollback sa diesel posible

    MAY aasahang muling pagbaba sa presyo ng diesel sa susunod na linggo kasabay sa Valentine’s Day.     Ayon sa Unioil Petroleum Philippines Inc., aabutin ang rollback sa krudo ng may P2 hanggang P2.20 kada litro.     Ang price adjustment umano ay epekto ng  galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.     […]