Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan
- Published on July 8, 2024
- by @peoplesbalita
MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.
Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan ang labis na antas ng pag-uulan.
Paliwanag ni Fr. Cancino na kaakibat ng panahong ito ang paglaganap ng iba’t ibang nakahahawang karamdaman, lalo na ang mapanganib na epekto ng dengue at leptospirosis.
“Kaya tayo po ay maging mapagmatyag lalong lalo na kapag tayo ay lalabas ng bahay. Meron pa rin tayong mga hamon sa buhay…Ang paglilinis ang importante sa kapaligiran. Huwag lamang tayo umasa sa paglilinis ng barangay. Tayo ‘yung barangay, tayo ‘yung kapitbahayan, at tayo ‘yung komunidad. Pag minsan umaasa lang tayo, ‘ay trabaho mo ‘yan’. Wala pa ring maitutulad kapag tayo ay naglilinis ng kapaligiran natin,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.
Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.
Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.
Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.
Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.
“Kung tayo ay nakakaranas ng mga sintomas ng dengue at leptospirosis na tumataas ang kaso ngayon ay tayo ay pumunta kaagad sa ating doktor, magpakonsulta, pumunta sa pampublikong clinic, humingi ng tulong sa barangay o sa ating mga health center…Maagap na pumunta sa ospital o klinika upang maibsan at magkaroon ng tamang lunas dito sa mga sakit na tumataas tuwing tag-ulan,” paalala ni Fr. Cancino.
Batay sa huling ulat ng Department of Health na mula unang araw ng Enero hanggang Hunyo 15 ngayong taon ay tumaas ng halos 78-libo ang kaso ng dengue sa bansa, kabilang ang 205 nasawi.
Sa nasabing bilang, mas mataas ito ng 15-porsyento kumpara sa higit 67-libong kaso sa kaparehong panahon noong 2023.
Samantala, tumaas naman sa halos 900 ang kaso ng leptospirosis, kung saan 84 dito ang naitalang nasawi.
-
UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hiniritan siya ng United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon. Tinukoy ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19. Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng […]
-
28 bahay sinira ng 2 tornado sa Florida
WINASAK ng dalawang tornado ang nasa 28 kabahayan sa Lee County, Southwest Florida. Ang nasabing tornadoes ay bunsod ng parehas na storm system na nagdulot ng pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng East Coast kung saan mahigit 50 milyong mga katao doon ang nasa ilalim ng winter weather alerts. Umabot […]
-
Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas
SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen. Sa ulat nina PSSg […]