• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mambabatas pabor sa pagsasampa ng kasong death threats at inciting to sedition kay VP Sara

“DAPAT naman talagang mapanagot si VP Sara sa ginawa niyang pagbabanta at sana ay hindi matulad sa parehong kaso na sinampa ko sa kanyang ama.”

 

Pahayag ito ni House Deputy Minority Leader France Castro kasunod sa naging rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na maghain ng kaso laban kay VP Sara Duterte. Kabilang na dito ang kasong inciting to sedition at grave threats dala na rin sa naging pagbabanta umano ng VP kay Presidente Bongbong Marcos.

 

Ayon kay dating ACT Teachers Representative Antonio Tinio, ang mga inirekomendang kaso ay iilan lamang o tip of the iceberg dahil kailangan umano managot ang bise hindi lamang sa kanyang banta kundi magiging sa alegasyon ng misuse of confidential funds.

 

Kapwa naman naniniwala ang dalawa na ang rekomendasyon ng NBI ay isang positive development, kasunod na rin sa inaasahang pagdinig sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

 

“Aside from these charges, what we and the people are waiting for is the start of the impeachment trial. Sana ay kagyat na simulan ito at huwag nang patagalin pa ang pagpapanagot kay VP Duterte sa paglustay sa pera ng taumbayan,” dagdag ni Castro.

 

Una nang inihayag ni NBI Director Santiago na inirerekomenda nila ang paghahain ng naturang mga kaso laban sa bise presidente. (Vina de Guzman)

Other News
  • Jeremy Lin pipirma sa Warriors G League team para sa NBA comeback bid

    Nakatakdang pumirma sa isang deal ang dating NBA player na si Jeremy Lin sa Golden State Warriors G League team na Santa Cruz Warriors.   Gagawin ang 2021 G League season sa Disney World bubble sa Orlando, kung saan ang opening ay inasahan sa unang bahagi ng February.   Magtatapos ang playoffs nito sa buwan […]

  • Saso PSA Athlete of the Year

    Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagawa ni Asian Games champion Yuka Saso na magning­ning upang tanghaling PSA Athlete of the Year para sa taong 2020.     Dalawang korona ang nasungkit ni Saso sa Japan LPGA habang pumang-13 ito sa prestihiyosong US Open para bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nito na magdiwang. […]

  • Dahil matagal na silang annulled ni Romnick: HARLENE, dream na matuloy ang wedding nila ni FEDERICO

    MAGTO-TWO years na palang annulled sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.       Nauna kasi yung church annulment, and then at sumunod naman yung civil.         Kaya naman sa tanong kung napag-uusapan na nina Harlene at kasintahan niyang si Federico Moreno ang tungkol sa kasal, ang sagot ni Harlene ay, “Oo. […]