‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu.
Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente.
Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na tila may inilagay siyang kung ano sa bangkay at inililipat ang pwesto ng kinabagsakan nito.
Nakita rin na binuksan niya ang SUV ng sundalo na umano’y may ginagalaw sa loob bago may ilagay sa kanyang bag.
Sa ulat ay isa sa apat na sundalong nasawi ay nasa loob ng SUV.
Kasalukuyan pa ngayong tinitingnan ang bawat anggulo ng footage at tinagurian din ng mga militar na ‘rubout’ ang insidente. (Daris Jose)
-
Maayos naman ang kalagayan sa Amerika: TOM, palilipasin muna ang isyu sa kanila ni CARLA bago magbalik-showbiz
MAAYOS ang kalagayan ni Tom Rodriguez sa Amerika, pero kailangan daw muna siyang manatili doon at palipasin ang issue sa kanila ng ex-wife niyang si Carla Abellana. Noong makapanayam si Tom ng GMA News, naging special judge ito sa ‘Miss Philippines USA’ sa San Diego, California. Ang naturang event ang first public appearance […]
-
NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon. […]
-
PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine
SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19. “Check out the vaccinations […]