• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law

MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.

 

 

Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at gawing legal ang motorcycles for hire at pagsiguro na ligtas at affordable ito bilang pampublikong sasakyan.

 

 

Ayon pa kay Lim, na ang well regulated at inclusive framework para sa motorcycle taxis sa bansa ay magkakaroon ng magandang benepisyo.

 

 

“Passing a law that regulates motorcycle taxis stabilizes the regulatory environment, which will encourage healthy competition,” pahayag pa ng ehekutibo ng Grab na lumipad pa mula Singapore para makadalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Senador Grace Poe.

 

 

Kapag mabilis umanong naisabatas ang nasabing panukala ay mas makakabuti sa mga consumer na sa ilalim ng kasalukuyang setup ay makakapili lamang sa tatlong motorcycle companies.

 

 

Ang tatlong kumpanya ay ang Angkas, Joyride at Move It na pinapayagang na tumakbo sa mga lansangan sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation.

Other News
  • TOM at CARLA, October 2020 pa engaged pero ngayon lang ni-reveal

    MATAGAL na palang engaged ang longtime na mag-sweetheart din naman na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.     October 2020 pa ay engaged na ang dalawa kunsaan live-in na rin naman sila ng matagal kaya nitong nakaraang enhanced community quarantine, silang dalawa talaga ang magkasama sa bahay ni Carla.     Kaya halos lahat […]

  • CHRISTIAN, mukhang mangangabog na naman sa awards nights ng ‘2021 MMFF’

    MUKHANG mangangabog si Christian Bables sa awards night ng 2021 Metro Manila Film Festival.     Maganda ang role ni Christian sa Big Night where he plays a beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa watchlist ng mga suspected drug addicts.     “Kahit na comedy ang pelikula ay seryosong topic […]

  • Iba’t-ibang emosyon ang mararamdaman sa movie: JULIE ANNE, bigay na bigay sa kissing scene nila ni RAYVER

    SABI nila kapag niloko ka minsan, ‘kawawa ka.’ Niloko ka na naman, ‘shame on you.’   Sa mundo kung saan ang pag-ibig ay isang sugal, hanggang saan ka payag na maglaro ng cheating game?   Ngayong Hulyo 26, ipinagmamalaki ng GMA Public Affairs ang kauna-unahang handog na pelikula nito, ang “The Cheating Game,” na nagtatampok […]