• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

 

 

Nakatakda ang pagsisimula ng Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage sa ika-8 ng Mayo, 2021 na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

 

 

“Nag-aanyaya [po ako] sa inyo sa isang Online Pilgrimage, ito po ay bahagi ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagka-Kristiyano sa Pilipinas.

 

 

Ito po ay matutunghayan at masusubaybayan sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

 

 

“Sisimulan po ito ngayong Sabado, Mayo-a-otso sa alas-dyes ng umaga, ito din ay masusundan buwan-buwan sa parehong oras. Halina kayo, sumama kayo ating online pilgrimage.” paanyaya ni Bishop  Mesiona.

 

 

Tampok sa nasabing Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang iba’t-ibang mga pilgrim churches sa bansa sa pakikipagtulungan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

 

 

Sa kabuuan may mahigit sa 500 mga Simbahan sa buong bansa ang itinalagang “pilgrim churches” ng iba’t-ibang diyosesis bilang paggunita ng Taon ni San Jose at ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

 

Ang Apostolic Penitentiary ay nagkaloob ng indulhensya plenarya para sa mga taong bibisita sa mga Pilgrim Chruches sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa.

Other News
  • P1,000 taas sa buwanang sahod para sa mga kasambahay sa NCR, aprubado na – DOLE

    INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P1,000 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).     Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, magiging P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region.     Nasa 200,000 kasambahay […]

  • Ads March 18, 2021

  • Ads February 8, 2023