Mandatory SIM Registration Bill, pasado na sa Senado
- Published on September 29, 2022
- by @peoplesbalita
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1310 o ang Mandatory SIM Registration Bill.
Sa botong 20 pabor at walang tutol ay nakalusot sa pinal na pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukala.
Binuhay at minadali ang pagpapatibay sa panukala upang mabigyang proteksyon ang publiko laban sa lumalalang text scams sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng bagong bibilhin na SIM ay hindi muna activated at magagamit lang ito kapag inirehistro online gamit ang tunay na pangalan at valid identification card ng subscriber.
Ang mga active prepaid SIM naman ay bibigyan ng 180 araw para mairehistro at kung lumagpas dito ay otomatikong ide-deactivate ng telecommunications company.
Mahigpit namang inaatasan ang mga telcos na ingatan at gawing pribado ang lahat ng mga impormasyon ng parehong postpaid at prepaid subscribers maliban kung ito ay hingiin ng otoridad o ng korte dahil sa imbestigasyon sa kaso.
Mahaharap sa parusang kulong at multa ang mga hindi otorisadong maglalabas ng datos ng mga telco subscribers.
-
Durant hindi makakapaglaro ng 2 linggo dahil sa injury
Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Brooklyn Nets star Kevin Durant. Ayon sa koponan na nagtamo si Durant ng injury sa kaniyang kanang tuhod. Natamo nito ang injury ng magkabanggaan sila ni Jimmy Butler ng Miami Heat sa third quarter. Lumabas sa scan nitong Lunes na nagtamo siya ng ligament sprain. […]
-
Malakanyang, pinuri ang mga COVID heroes
PATULOY na kinikilala ng Malakanyang ang “selflessness and hard work” ng COVID-19 frontliners kasabay ng pagdiriwang 3rd Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa panahon ng pandemya. Tinawagan ng Malakanyang ang publiko na tingnan ang present-day heroes habang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19. “As we adapt to the new normal brought […]
-
Mga anak ni Putin, matataas na opisyal ng Russia at kanilang mga kaanak, kasama sa bagong sanctions ng U.S. sa Russia
HINDI na rin nakaligtas ang mga anak na babae ni Russian President Vladimir Putin matapos na magpataw pa ng panibagong mga sanctions ang Estados Unidos sa Russia. Kaugnay pa rin ito sa mas lumalalang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine. Target ng mga bagong sanctions na ito ang mga anak […]