MANDATORY TESTING ng PMVIC PINILIT BUHAYIN. ITINAON PA MISMO sa SIMULA ng LOCKDOWN! MAY BALAK TULOY NA BOYKOT!
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!!
Magaling din tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR)for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs).
Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa Metro Manila. Habang naghahanda ng pang ayuda sa mga tao ang karamihan ng ahensya ng pamahalaan, ang LTO naman ay pinaghandaan ang pag “buhay” ng PMVIC na dagdag gastos sa motorista. Pero dahil sa paglabas ng COA findings tungkol sa mga non-delivery of car plates ay natuon ulit ang atensyon sa LTO kaya sumabog muli ang usapin ng kontrobersyal na PMVIC.
Ika nga ni Sen. Ralph Recto ay “risen from the dead” ito dahil sinabi na nga ng Malacañang na hindi na mandatory ang inspection sa mga PMVIC at maraming mambabatas ang pinatitigil na ito. Pero dahil mala zombie na binuhay ang PMVIC dapat na sigurong ibaon na sa hukay ito para hindi na muling buhayin pa.
Ayon sa LTO memo ay may kanya-kanyang geographical areas ang operasyon ng authorized PMVICs.
“The conduct of inspection of motor vehicles prior to registration by PMVICs shall be MANDATORY in their respective GAOR”. Ibig sabihin ay ipinagkaloob ng LTO sa chosen ones na PMVIC ang exclusive mandatory inspection ng mga sasakyan.
Ano ang resulta? Halimbawa sa Bulacan na iisa lang ang PMVIC na sa liblib pa ng isang bayan matatagpuan ay doon pupunta ang lahat ng sasakyan na magpaparehistro dahil MANDATORY na sa GAOR ng PMVIC dadaan. Di tulad ng dati na may mga emission testing centers na malalapit sa LTO offices. Aba ay dapat tingnan din ng ARTA ito dahil labag ito sa ease of doing business na ilalayo mo ng ilang kilometro ang magpaparehistro para sa inspeksyon.
Anong ligal na batayan kaya meron ang LTO para gawing mandatory ang GAOR ng mga PMVICs samantalang sinabi na nga na hindi mandatory ang inspection sa kanila. Sino kaya ang mga mayari ng mga PMVICs? Mga pulitiko, retired generals, mga mainpluensyang tao? Nasira ba ang ipinangakong return of investment sa kanila? Sino kaya nakaisip na ipasa sa pribadong sector ang pag-i-inspect ng mga sasakyan? Bakit noon ay humingi ang ilang opisyal ng P800 million pesos at may inilaan na nga para i upgrade ang MVIS ng LTO pero nagbago ng plano at prinivitize na lang ito? Anyare?
Sa ngayon ay marami na ang napipikon at umaalma sa pinalabas na GAOR ng LTO. Ang grupong 1-UTAP o Unified Transport Alliance of the Philippines ni Ariel Lim at mga kaalyado nito ay nais nang iboykot ang implementasyon ng GAOR.
Idagdag pa sa usapin ng PMVIC ang problema sa non-delivery ng mga car plates ay may sapat na dahilan ang mga motorista na suportahan ang balak na boykot! (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Kung pinuri noon sa ginawang pagpapatawad: CHERRY PIE, hanga sa katapangan ni VP LENI kahit patuloy na binabatikos at binabastos
SA kanyang IG Post ay nagpasalamat si Edgar Allan Guzman (ea_guzman) sa GMA Network, Arnold Vegafria, Gigi Lara, Daryl Zamora, at Sparkle GMA Artist Center at ALV Talents para sa bago niyang project. May special thank you si EA kay Ms. Helen Rose Sese na nagbigay sa kanya ng tiwala at greenlight para […]
-
National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo. Sinabi […]
-
Hindi kamay ang nilunok kundi paa na may bakal: ANNE, niresbakan si VICE GANDA at tinawag na matandang ‘ulyanin’
NAKAAALIW at hindi talaga pinalampas ni Anne Curtis ang bonggang litanya ni Phenomenal Unkabogable Star na si Vice Ganda noong Lunes sa kanyang Twitter account, na kung saan sinagot nito ang mga paratang isang netizens. Isa nga sa naging pasabog na post ni Vice na kinaaliwan ng mga netizens ang nakatutuwang pag-amin niya […]