Mandatory use ng face shield sa mga work place at public transport, ikinunsulta sa mga eksperto
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
MASUSING dumaan sa konsultasyon ang panibagong panuntunan na ipinatupad ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co- Chair Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pasya na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields ay resulta ng konsultasyon sa mga eksperto gaya ng mga duktor at siyentipiko.
Aniya, ipinakita sa kanila ng mga experts kasama na ang mga epidemiologists na 99 percent ang posibilidad na hindi mahawahan ang isang indibidwal kung naka- face shield habang naka – face mask at sasabayan pa ng social distancing.
Sa kabilang dako, sinabi pa ni Nograles na mababa sa kabilang banda ang protection level ng surgical face mask at cloth mask kung ikukumpara sa N95 mask na mataas ang naibibigay na proteksiyon.
Kaya nga pagbibigay diin ng Kalihim, maigi talaga na gawing kumbinasyon na ang paggamit ng face mask at face shield gaya ng ipinatutupad na sa mga public transportation at workplace. (Daris Jose)
-
SIM cards, iparehistro na
SA PAGSiSIMULA ng rehistrasyon ng SIM card, pinaalalahanan ni Camarines Sur Rep. at National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte ang mga cellular phone owners ng tinatayang 150 million Subscriber Identification Module (SIM) cards na iaprehistro ang kanilang numero sa loob ng ibinigay na deadline upang maiwasan ang automatic deactivation ng kanilang SIM numbers. […]
-
Kasuhan n’yo ko! – Sara
HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga taong nasa likod ni retired SPO4 Arturo Lascanas na sampahan siya ng kasong murder sa korte ng Pilipinas kung totoo ang inaakusa nila na sangkot siya sa Davao Death Squad (DDS). “Ayon sa isang nagpakilalang testigo, may kinalaman umano ako sa Oplan Tokhang, sa Davao […]
-
RURU at SHAIRA, ‘di pa iniisip na mag-settle down dahil marami pang gustong ma-achieve
KAHIT parehong may serious relationships sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, hindi raw nila iniisip pa ang mag-settle down dahil marami pa raw silang gustong ma-achieve sa kanilang careers sa showbiz. Nauso kasi ang ma-engage at magpakasal last year dahil sa pandemic. Ilang celebrities ang ginawa ito ng palihim at meron namang proud […]